Pangako

28 4 0
                                    

Pangako, pangako, pangako...

Minsan totoo,

Madalas napapako.

Bakit ba ganito ang salitang 'to?


Pangako, salitang sinaktan ako nang husto,

Salitang sumisira sa tiwala ng tao.

Lahat ba ng pangako'y napapako?

Ewan. Madalas, oo? Siguro.


Mga tao ngayo'y tila hindi alam kung paano gamitin ito,

Pangako roon, pangako rito.

Mga taong makapagbigay lang ng pangako,

Na kalauna'y napapako.


Ang salitang pangako ay hindi biro,

Parang buhay, hindi isang laro,

Kaya kung ayaw mong saktan ka ng salitang ito,

Gamitin ito nang seryoso, at nang may puso.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon