Hayung umasa ka,
Pero wala kang napala,
Hijo, isa kang dakila,
Isang dakilang tanga.
Binigay mo na ang lahat,
Pero iyon ay 'di pa rin sapat,
At dahil nga tanga ka,
Kahit hindi dapat, iyo pa ring ginagawa.
Dahil ikaw ay isang dakilang tanga,
Ikaw ngayon ay ngangawa-ngawa,
Pumapatak ang iyong mga luha,
Mga luha na nagmamakaawa.
Hintayin ang taong nakalaan,
Kalimutan ang nakaraan,
Ayusin ang isipan,
Nang mawala, kalungkutan, at katangahan.