Ang tunog nito ay nagbibigay saya,
Nawawala ang lungkot na nadarama,
Minsan dahil dito'y matatawa ka pa,
'Yan ang aking obserbasyon sa gitara.
Masarap itong sabayan ng pagkanta,
Upang lumbay ay tuluyan nang mawala,
Lalo na kung sintunado, kumakanta,
Pag-iyak, mapapalitan ng pagtawa.
Pero kahit lungkot ang nararamdaman,
Ang gitara ay puwede mong sandalan,
Para masakit na pinagdadaanan,
Kahit saglit ay iyong makalimutan.
Puwede rin itong maging inspirasyon,
Sa mga kaibigang 'di makabangon,
Para buhay nila na puno ng lumbay,
Gitara ay handang umagapay.
*****
Paalaala ng May-Akda: sa ika-30 ng Oktubre ko po ipo-post ang susunod na update kasabay ng Unang Kabanata ng "Falling For Nothing". Sana lamang po, ito'y inyong basahin. Maraming salamat po. =)
- L. Green