Note: Please read at your own risk. Charot! Haha!
..oOo..
Si crush, parang kulangot,
Ang hirap kuhanin ang loob, masyadong pakipot!
Pareho lang naman kayo, sinasaktan ako!
'Di lang puso, pati ilong ko!
Grabe kayong dalawa,
Feel na feel niyo, kahit sa'kin ang sakit sakit na!
Kasabay ng mga tumutulong luha,
Duguang puso at uhog na naglalawa.
Kahit gaano kahirap, kahit gaano kasakit,
'Pag nadukot mo na silang dalawa, everything is worth it.
'Pag naging kami ni crush, sobrang saya,
'Pag nadukot si kulangot, makakaramdam ng kung anong ligaya!
Ang kaibahan lang nilang dalawa,
Si crush, isang tawag mo lang ay nandyan na,
'Di kaya ni kulangot na kahit ano'ng dial na,
Wala ka pa ring nakukuha.
Sakit talaga ang mararamdaman sa umpisa,
Kailangan mo lang ng sipag at tiyaga,
Dahil 'pag naging kayo ni crush, at ang kulangot ay nadukot na,
Hayahay ang buhay! Walang tawad ang 'yong ligaya!