Hawakan Mo Ang Kamay Ko

21 4 0
                                    

Buti na lang at nandiyan ka,

Kung kailang kailangan kita.

Ramdam ko, iyong pag-aaruga,

Kaya mahal na mahal kita, aking sinisinta.


Isang bagay lang naman ang gusto kong gawin mo,

Na hawakan mo ang kamay ko.

Gusto kong maramdaman, init nito,

Init na magliliyab sa pagmamahal ko sa'yo


Sana, 'wag mo akong iwan,

Dahil ikaw lang, aking kailangan.

Ikaw lang, sapat na,

Sa puso kong nawawasak na.


Hawakan mo ang kamay ko,

Tahakin natin, landas mo, pagsubok ko.

Kailangan kita para malampasan ang mga ito,

Para makuha, happy ending na hinihintay ko.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon