Simpleng Hiling

40 5 2
                                    

Birthday Poem for Me. Hihi <3

..oOo..


Makita lang kita sa kaarawan ko,

Hindi na mapapawi ang ngiti sa bibig ko.

Maramdaman ko lang ang presensya mo,

Walang duda, buo ang spesyal na araw ko.


Hanggang sa birthday ko nagpapakagago pa rin ako 'no?

Alam ko namang HINDI MAGIGING TAYO.

Ewan. Basta ang mahalaga masilayan ko ang pagmumukha mo.

Grabe. Ang lakas talaga ng tama ko sa'yo.


Kuntento naman na ako sa kung ano ang mayroon tayo,

Ni kahit pagkakaibigan, hindi natin nabuo.

Alam kong hanggang pagtingin lang ang p'wede kong gawin sa iyo,

Pero pilit kong hinihiling na ako'y maging sa'yo.


Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa,

Kaya walang magagawa, pag-iyak ko't pag-asa.

Kaarawan ko ngayon. Dapat maging masaya,

Dahil buhay ko, isang napakalaking biyaya mula sa Kanya.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon