Makulay na Bahaghari

202 7 0
                                    

Ito ay binubuo ng pitong kulay,

Masarap tingnan at nagbibigay-buhay,

Iyong tignan at mawawala, 'yong lumbay,

Buhay mo, magkaroon muli ng kulay.


Ibang kulay, iba rin ang kahulugan,

Ito'y matingkad man o mapusyaw tignan,

Pula, ito'y sumisimbolo sa katapangan,

Pwede ring kaguluhan o karahasan.


Kahel, kulay ng pagiging malikhain,

Ang dalandan ay isa pang katawagan,

Dilaw, kulay ng pagiging masayahin,

Katalinuhan, isa pang kahulugan.


Berde, ang pangunahing kulay ng yaman,

Ang isa pang tawag dito ay luntian,

Bughaw ang sumisimbolo sa tiwala,

Ang kulay rin ng pananampalataya.


Indigo, kulay ng mga mapanira,

Kulay rin ito ng pagiging masama,

Pagiging sosyal naman ang kulay lila,

Ito ay kulay din ng pag-aaksaya.


Iba-iba man ang mga kahulugan,

Simbolo ito ng ating katauhan,

Kaya kahit ano ang kulay mo dito,

Ang importante, ikaw ay isang tao.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon