Bumbilya

37 4 0
                                    

Sa gitna ng dilim, ako'y nag-iisa,

Nag-iisip ng aking mga isusulat na tula,

Hawak kong papel, blangko at walang kalaman-laman,

Kaalaman at imahinasyon lang ang kailangan.


Blangko ang utak ko, blangkong blangko.

Ni hindi ko alam kung ano ang isusulat ko.

Pero sa gitna ng dilim, ay may liwanag na nagpakita,

Nagbigay ng kaisipan, kasimbilis ng pagbukas ng isang bumbilya.


Ngayon, aking natapos itong katha,

Sana'y magustuhan niyo, aking likha,

Mula sa isip, mula sa liwanag ng bumbilya,

Imahinasyon, naglalakbay ng milya-milya.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon