Lulubayan Ka Na

26 4 0
                                    

Gusto ko mang gawin, pero hindi ko kaya,

Na iwanan ka, na layuan kita.

Pero dahil iyon ang hiling mo,

Kahit ayaw ko, iyon ang gagawin ko.


Pagkakaibigan, gusto muling mabuo,

Kaso parang mali ang galaw ko.

Pasensya na sa pangungulit ko,

'Di ko lang talaga kayang malayo sa iyo.


Hiling mo, susundin ko,

Aalis na ako sa tabi mo.

Kahit hindi sang-ayon ang kalooban ko,

Para naman iyon sa kabutihan mo.


'Yung sa sobrang pagmamahal ko sa iyo,

Kahit kalayaan mo'y maibibigay ko.

Lulubayan na kita,

Para sa kabutihan nating dal'wa.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon