Buti na lang at nariyan ka,
Sa mga oras na ako'y sumusuko na.
Mga oras na lugmok ako sa problema,
Para sa'kin ay nariyan ka.
Para kang si Superman,
Darating sa isang tawag lang,
Sabay ligtas sa problema ko,
Hindi man literal, pero 'yun ang nararamdaman ko.
Grabe, nahulog na ako sa iyo,
Sa kakisigan, sa talino at sa puso,
'Di man kasinglakas ng isang superhero,
Pero para sa'kin, ikaw ang Superman ko.
Sana'y hindi ka magbago,
Sana ako ang mahalin mo,
Sana lumakas ako nang dahil sa iyo,
Para ako ang maging Supergirl mo, Superman ko.