Labis na lungkot ang nadarama ko,
Dinaramdam, bawat masakit na salitang sinasabi mo.
Patak ng luha ko, ayaw magpapigil sa pagtulo,
Bawat patak nito'y nagpapakita ng lalim ng nararamdaman ko para sa'yo.
Masakit 'man isipin na mahirap kang kuhanin,
Masyadong pihikan, hindi madaling mahalin.
Kahit masakit, aking tatanggapin,
Lahat ng bagay, aking gagawin.
Kahit nakakatanga, kahit nakakabobo,
Wala akong gagawin kung hindi mahalin ka nang totoo,
Kahit nakakaiyak, katotohanang sinasambit mo,
Sa'kin, ang mahalaga, sa huli'y maging tayo.
Bawat patak ng luha ko'y nagpapatunay na nagpapakatatag ako,
Para makuha ang isang relasyong pinapangarap ko.
Kahit nakakainip, ako'y maghihintay sa iyo,
Magkasintahang magkahawak ang kamay hanggang sa dulo.