Tula Para Sa'yo, Ina Ko.

42 4 0
                                    

A Poem for Mommy, and to all  the Moms out there!

Happy Mothers' Day!

..oOo..

Nang dahil sa iyo,

Narito ako ngayon sa mundo,

Nang dahil sa iyo,

Umunlad, aking pagkatao.


Ngayon, sinusulat ko ito,

Pagpapakita, ng utang na loob ko sa'yo,

Sa labing anim na taon na naririto ako,

Mahal kita, Ina ko.


Pasensya na, dahil ako'y pasaway,

Naturingan pa naman akong panganay,

Kaya sorry na, Inay,

Kahit galit ka, pagmamahal ang aking iaalay.


Alam kong mahal mo kami,

Kahit gan'to ang aming mga ugali.

Kaya ngayong araw ng mga inang gaya mo,

Sisiguraduhin namin, ngiti sa labi mo.


Ngayon ay araw ng mga ina,

Sana maging inspirasyon itong aking gawa,

Kaya puntahan niyo na ang mga ina niyo, mga bata.

Punuin ng halik, lambing at saya.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon