Isang Sanaysay Para sa Libing ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos
*****
Ika-21 ng Setyembre, taong 1972, wala ba kayong naaalala?
Hindi niyo ba natandaan ang linyang ito - "I declare Martial Law"?
Tanga lang ang hindi nakakaalam nito. Ito 'yong araw na inaprubahan ng noo'y Pangulong Ferdinand Marcos ang Proclamation 1081, kung saan idedeklara ang Martial Law sa buong bansa.
'Yong phrase na 'yon, napaka-powerful. It is because of the massive number of deaths mula noong 1972 hanggang 1981, na tinawag na Martial Law Era.
Maraming tao ang nagtuligsa at nagbuwis ng buhay, maipaghiganti lang ang mga inosenteng taong binawian ng buhay ng rehimeng Marcos. Tumatak ito bilang isa sa pinakamasalimuot na nangyari sa ating kasaysayan.
Wait, bakit ba Martial Law ang nasa utak ko? Eh, kanina lang naman inilibing si Marcos.
Yun na nga, inilibing siya kanina, secretly. Sa Libingan ng mga Bayani. Ika-18 ng Nobyembre, taong kasalukuyan, 27 taon na ang lumipas nang mamatay ang isa sa pinakamatalinong Pangulo ng Pilipinas.
You read it right. Isa siya sa pinaka-intelihente na naging Pangulo natin, for me.
It's been years nang matapos ang Martial Law Era, pero ramdam pa rin ang hinagpis ng mga pamilyang nabiktima nito. Kaya, gulat na gulat sila nang ipalibing na ang Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani, approved pa ni Pangulong Duterte at bantay-sarado ang PNP.
Well, I'm not pro-Marcos, though I'm not against him as well.
Nakakalungkot lang dahil 'yong beliefs at opinions ng mga pro at anti, nagka-clash na nagiging dahilan ng gulo. At paano ko nalamang may gulo? Napanood ko siya sa TV.
Sabi no'ng isang lalaki, which happens to be a supporter of the late Ferdinand, "masaya ako dahil nailibing na ang iniidolo kong Pangulo." tuwang tuwa ang mga pro-Marcos, dahil after 27 years, nawala na si Pangulong Marcos sa freezer na kinalalagyan niya, at nailibing, which he deserved.
Don't get me wrong. He deserved to be laid on the cemetery, para sa kapayapaan niya.
But, I think others are having misconceptions with it.
Habang inaabangan ng mga pro ang tuluyang paglibing ni Marcos, dumating ang mga antagonista na may mga dala-dalang banner.
"Si Marcos ay hindi bayani! Isa siyang diktador!"
"Marcos no hero!"
Mga ganyan bang signages? Nakakalungkot. Why did I say so? Though, kitang kita ang mga galit sa mga puso ng mga taong naginga biktima ng Marcos regime, hindi naman siguro tama na tanggalan siya ng karapatan na ilibing sa dapat niyang karoonan.
Iyan ang hirap sa ating mga Pinoy eh. We tend to make actions, even we didn't think about it.
Naiintindihan ko 'yong feeling na mawalan ng mahal sa buhay, pero sana naman, move on. It's been decades nang mawalan ng bisa ang Martial Law sa bansa, at ayaw ko ring maranasan iyon.
I can visualize it sa mga nababasa ko, sa mga sinasabi ng ibang tao.
Pero, 'yong kontrahin ang paglibing sa isang yumao? Wrong move! Respeto naman sa patay.
'Yang pakikipagtalo sa kapwa, porket hindi magkasundo? Not so Filipino. Hindi ganyan ang ugali ng mga ninuno natin. Weren't upholding the values they taught to us. Sorry to say, but I can conclude that as a fact.
'Wag niyo akong awayin. Kung may magbabasa man nito na anti-Marcos, baka sabihin lang na "Palibhasa kasi 'yong sumulat nito ay hindi biktima ng Rehimeng Marcos!" O kaya naman, "Bata pa siguro ang sumulat nito. Wala siyang alam."
Let us say na wala akong alam sa mga naganap noon. Siyempre, bata pa nga ako. But, the way I visualized it, nakakalungkot dahil napakaraming taong namatay.
Pero I do think as Filipinos, we need to be neutral. Hindi 'yong positive lang ang tinitignan, hindi 'yong negative lang ang tinitignan.
Pero as what I've observed, mukhang mahihirapan tayong maging neutral. I checked my twitter, trending oh! #MarcosIsNOTaHero
Grabe! I can't even imagine that Filipinos could be like this. Well, alam ko 'yong sakit at alam 'yong negative happenings sa Martial Law. Pero, we should think din naman. Hindi 'yong puro bugso ng damdamin ang pinapairal.
Kapag hindi ba inilibing si Marcos eh mananaog ulit sa kamatayan 'yang mga victims na 'yan? Sorry pero, we should respect each other's beliefs. It's been years. I know the pain and the anger, but we should move on. Dapat patuloy pa rin ang pag-agos ng buhay.
Sa mga pro-Marcos naman, be humble. Nailibing na 'yong iniidolo niyo. 'Wag na kayong makipagtalo sa mga anti kasi may mga hinanakit sila sa rehimen. Kapag inaway ba natin sila eh magiging pro-Marcos na rin ba sila? Hindi naman di'ba?
Everyone of us are in downed with our own opinions. I will just sum it up.
Maaaring maraming namatay sa Marcos Administration. Maaaring bagama't umaangat ang ekonomiya natin, eh may mga kriminalidad pa rin sa mga pamayanan. Maaaring may mga nakaw siya. Pero, let's look din doon sa bright side - ang mga contributions niya. Infrastructures, establishments, ang daming naibigay ni Marcos.
'Yang MERALCO, LRT, NLEX, at iba pa.
Oo maraming namatay. Hindi nating maiiwasang magalit sa mga ginawa ni Marcos. I could not say na si Marcos ang pumatay, obviously dahil mga tauhan niya ang gumawa nito, ang mga opisyal ng pamahalaan. Diktador nga eh.
Oo may mga nakaw siyang yaman. $10 Billion, kung hindi ako nagkakamali. Pero, naibalik naman 'yong iba di'ba?
Well, nakakagalit 'yong iba niyang ginawa. Normal lang magalit. Pero, let's be somehow optimistic. If we carried vengeance in our hearts, mas mananaig talaga ang galit.
Again, I'm not Pro nor Anti Marcos. But, it is okay with me if we let him lay to his peace.
Sabi nung isang Senador, nakalimutan ko kung sino, "This move is not making the closure to this issue." something like that 'yong sinabi niya.
Pwede namang maging closure eh, basta nagkakaintindihan at may namumuong respeto sa bawat kampo.
Nailibing na siya. I guess, for the Pro, okay na. Tapos na. Okay? Sa mga Anti, I feel you. Pero, dapat move on na rin. Don't carry bitterness towards the Marcoses. Bitterness talaga e 'no? Well, sana walang umaway sa'kin.
I just made this essay kasi gusto kong maglabas ng opinyon, because I'm bothered of what's happening. Akala ko kung ano na ang nangyari.
Liam's Note: This is 80% opinionated. Sana wala pong magalit na Pro or Anti-Marcos sa'kin. Maaari niyo rin po itong basahin, dahil may naka-separate na pong book about this. The content is the exact same one though. It is categorized as Historical Fiction, na dating Non-Fiction, got #127 and #77 as its highest rank in the Top 1000 respectively.