Sana, ikaw na nga.
Sana, ikaw na ang nakatadhana,
Puso kong nasasabik,
Kasiyahan ay nanunumbalik.
Sa tadhana'y ako'y natutuwa,
Dahil ikaw ay aking nakilala,
Mula sa pagiging magkaibigan,
Nawa'y matuloy sa dulo ng walang hanggan.
Pasensya, kung 'di mo maramdaman ang pagmamahal ko,
Pero ito ang tandaan mo, mahal kita at 'yon ang totoo.
Aking susuklian, pagmamahal mo,
Para patunayang ako ang forever mo.