S'ya, siya ang lagi kong sinasandalan,
Sa t'wing ako'y nakararanas ng hirap.
Sa tuwing ako ay nasa kagipitan,
Siya ang umaahon sa'kin sa hirap.
Siya ang babaeng nagsilang sa akin,
Naghirap para ako ay palakihin.
Kasinglambot ng mamon, kanyang puso.
Dahilan ng pagbigay ko ng respeto.
Alam kong hindi niya ako iiwanan,
Kami'y magtawanan man o mag-iyakan.
Isa s'yang yamang hindi mapapalitan,
Kaya siya ay lubos kong iingatan.
Sa mga pagsubok na p'wedeng dumaan,
Alam kong 'di ako panghihinaan.
Dahil ina ko, lagi lang nandidiyan,
Sa pagbangon, ako'y kanyang tutulungan.