Puwedeng maging sandalan,
Kung ako'y nahihirapan,
Kapag nasa kagipitan,
Pwede ko syang malapitan.
Ang aking pinanggalingan,
Itinuturing kong yaman,
Dahil siya'y may gintong puso,
Bibigyan ko ng respeto.
Hindi nya 'ko iiwanan,
Tawanan man o iyakan,
'Di siya pwedeng palitan,
Kaya aking iingatan.
Sa pagsubok na daraan,
'Di ako panghihinaan,
Dahil lagi syang nandiyan,
Upang ako ay tulungan.