Nagsimula lahat sa isang halik,
Saya ay nanumbalik.
Ramdam mo ang sarap,
Tila'y umaahon ka mula sa hirap.
Sa halik na iyon,
Parang gusto kong magmahal ulit.
Pero mahalin siya agad? Hindi iyon ganoon.
Gustuhin ko man, hindi naman p'wedeng ipilit.
Gusto kong sabihin na nahuhulog na ako sa kanya.
Bakit Liam? Kasi hinalikan ka niya?
Pansin sa'kin ang kababawan.
At sa pag-ibig, aking kabaliwan.
"Hindi ako ang lalaki para sa'yo."
Aniya na bumasag sa aking puso.
Sa isang halik na iyon, nagbago ang lahat.
Pero sa katotohana'y mata ko ay dapat imulat.