Ang Misteryosong Reyna ng Sheba (Isang Pagsasaling-Wika)

681 7 2
                                    

Ang Misteryo ng Reyna ng Sheba

Isinulat ni Michelle Roberti

Isinalin sa Filipino ni Liam Jay Atienza (Liam Green)



Ang misteryo sa likod ng Reyna ng Sheba.

Ang Reyna ng Sheba ay kilala ng karamihan sa madalas na pagbisita nito kay Haring Solomon noong kanyang pamumuno, kung saan may mga nabubuong kwento kung paano sila nagkakilala. Isa siya sa mga taong madalas ihango sa mga obra noong Middle Ages at panahong Renaissance bilang isang pigura ng relihiyon. Makikita rin siya biilang estatwa sa mga simbahang Gothic. Bukod pa sa mga naikwento ng Bibliya tungkol sa kanya sa atin, ano pa bang mga misteryo ang masasaksihan natin sa Talmud at Qur'an?

Ang pangalang Sheba ay nagmula sa aklat ni Genesis (10:28) na kung saan ay isinasama siya bilang isa sa mga kamag-anak ni Shem, anak ni Noah. Ang totoong lokasyon ng Kaharian ni Sheba ay hanggang sa ngayon ay pinagdi-debatihan pa, ang mga bansang Yemen, Ethiopia, Nubia o Egypt (Bagama't may ilang scholar na nagsalin ng pangalang Hatshepsut sa Ingles na nangangahulugang Reyna ng Sheba. At ayon sa mga nakuhang impormasyon ukol sa buhay ni Hatshepsut, na nagkaroon siya ng makulay na paglalakbay sa Punt, isang hindi tukoy na lugar. Marahil ito ay Jerusalem, ang lupaing pinamunuan ni Haring Solomon?) Hindi naman na siguro kailangang pagtalunan pa kung alin sa mga lugar na iyon lumulugar ang kaharian ni Sheba. Ang desisyon ay nasa pagitan ng Yemen at Ethiopia dahil sa kayamanang nakita doon, na ibinigay ni Sheba kay Haring Solomon.

Mas lalo pang nakapagbigay ng ideya ang mga alamat at mga kwento tungkol sa kanya. Isang larawan ng Reyna Sheba sa Ethiopia ay nagsasabing siya ay ipinanganak noong 1020 B.C., at napasahan ng korona noong siya ay 15 taong gulang.

Sa halos isang libong taon, nagsasaysay ang mga Emperor ng Ethiopia tungkol sa kanyang lahi sa katauhan ni Menelik, ang anak na lalaki ni Solomon at Sheba; at noong 1931, isinulat ni Emperor Haile Selassie ang banal na tradisyon na ito sa konstitusyong pambansa ng Ethiopia.

Ang "Kebra Nagast" o "Tagumpay ng mga Hari" ay ang alamat tungkol kay Menelik, na isinulat noong ika-14 na siglo ng Ethiopian Monk na si Yetshak. Ang kwento na ito ay nagsasalaysay kung paano nagsawa si Solomon sa alindog ni Sheba, na mas kilala sa kwento bilang si Makeda.


Nang bumisita si Makeda kay Solomon, nabighani siya sa kanyang mga narinig at sa kanyang nakita, lalo na noong nasagutan niya ang mga bugtong na ibinigay nito sa kanya. Nabighani rin si Solomon sa kanyang kagandahan at katalinuhan at nakaisip siya ng paraan kung paano niya maaakit ang birheng reyna – ay magsagawa ng isang salu-salo.

Gayunman, may isang bagay na maaaring makapagpapigil ng kanyang plano; hindi siya maaaring makibahagi sa mga ganitong okasyon nang walang pahintulot. Nangako siya na susundin niya ang kanyang hiling. Pero dahil matalino si Solomon, gumawa siya ng paraan para mapabagsak si Makeda – sa salu-salo, puro maaanghang na pagkain lamang ang dapat ihain. Gumising si Makeda na uhaw na uhaw at pa-inosenteng uminom ng tubig. Inakusahan siya ni Solomon na nagtaksil sa kanya si Makeda at dahil sa "hindi niya pagsunod", nanghingi siya ng "pabor" dito. Umalis si Makeda sa Israel at umuwi. Hindi naglaon ay isinilang niya ang kanyang anak na lalaki na si Menelik, na pinaniniwalaang pinagmulan ng lahi ng mga naging Hari ng Ethiopia. (Ayon sa mga sangguniang Islam, Persian at Hudyo, si Menelik at Nebuchadnezzar ay iisa.)

Nang tumuntong sa edad na 22, binisita ni Menelik ang ama niyang si Solomon at inaral ang relihiyon nito. Dahil maganda ang impresyon nito sa anak, itinalaga niya si Menelik bilang kauna-unahang Emperor ng Ethiopia. Pero bago pa bumalik ng Ethiopia si Menelik, hindi lamang inutusan ng Hari na ang magkakaroon siya ng Konseho at sasama ito sa panganay niyang anak na lalaki, binigyan pa niya si Menelik ng isang tela na ang nasa loob ay ang Ark of the Covenant. Ang mga anak ng konseho na ayaw samahan si Menelik pabalik ng Ethiopia, ay ninakaw ang Ark of the Covenant.

Hindi nahuli ni Haring Solomon si Menelik, na di umano'y lumipad pabalik sa Ethiopia nang ligtas.

Hanggang ngayon, ang mga labi ni Menelik ay nasa siyudad ng Aksum, na kung saan ay may mga posibilidad na ang Ark of the Covenant ay nakatago sa Simbahan ni St. Mary sa Zion.

Kilala bilang Bilqis o Balkis sa mga alamat na nakasaad sa Qur'an, Si Sheba ay maaaring mayroong mabuhok na mga binti o pangit na mga paa. (Bagama't sa mga alamat ng Ethiopia, sinasabi na ang dahilan ng pagkapangit ng mga paa niya ay dahil sa kagat ng kanyang alagang jackal.)

Halos lahat ng mga paniniwalang Arabo tungkol kay Sheba ay nakamamangha, kung saan ay kasangkot ang mga jinny, mga teleportation, at ang milagrong paggaling ng mga binti niya na ginawa ni Haring Solomon.

Si Sheba ay itinatanghal rin bilang isang propeta; at bilang isang sikat na alamat noong panahong Medieval na nagke-kuwento tungkol sa pag-aatubili niyang tumawid sa isang tulay na naglalakad kasama si Haring Solomon. Napapayag niya si Solomon nang kanyang ikwento ang paniniwalang ang isa sa mga tabla ng kahoy na nasa tulay ay galing sa "Tree of Knowledge", kaya ni mabuti o masama, ay iniiwasang tumawid sa tulay na iyon. Nabanggit rin ni Sheba na ang tabla ng kahoy na ito ay gagamitin sa pagpatay sa tagapagligtas at mababasbasan ang tulay. Tinanggal ni Solomon ang tabla at inilibing. Pero ayon sa ibang kwento, ang kahoy na ito ay hinukay at ginawang krus kung saan pinako si Hesu-Kristo.

Ang maalamat na reyna ay natatampok din maging sa kasalukuyang panahon, sa mga kanta, telebisyon, mga sayaw, pelikula, mga libro at tula. Naitampok rin ito sa video game na Grand Theft Auto III sa katauhan na asawa ni Don Salvatore.

Kahit si Sheba ay may halong kababalaghan, ang maalamat niyang katauhan ay naroon pa rin.


***

Liam's Note: This story is not mine. I just made the Filipino Version. Practice lang sa pagta-translate. Sorry kung may mga magugulong part kasi nakakasakit din talaga ng ulo minsan ang wika natin. Chos! HAHAHA! Enjoy reading!

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon