Ritmo

21 4 0
                                    

Sa t'wing naririnig ko ang himig mo,

Gumagaan, pakiramdam ko.

Tila gusto kong sabayan ang 'yong ritmo,

Dahil sa naghuhuramentadong sistema ko.


Sa'yo ko inaalay ang tulang ito,

Tulang puno ng pagmamahal ko,

Sana, ngayon na ay maging tayo,

Dahil ibibigay ko, lahat ng mayroon ako.


Napakalakas ng tama ko sa'yo,

Epekto ng iyong ritmo,

Sana sa oras na sabayan ko ito,

Nawa'y sabayan mo rin ako.


Dal'wang taong nagmamahalan,

Nagmamahalan nang lubusan,

Isang himig, isang awit, isang ritmo,

Ganyan ang aming pagtrato.


Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon