Ang pag-asam sa kanyang pansin,
Parang umaasang makita ang hangin.
'Yong iniisip mo 'yong mga bagay na pwede niyong gawin 'pag naging kayo,
Na hindi mangyayari, kasi hindi iyon totoo.
Ang sakit sa bangs 'di ba?
Swerte mo kapag may tsansa ka pa.
Pero 'ter, 'wag ka nang umasa.
'Wag kang ano diyan, baka masampal kita.
I don't know, baka ako lang 'yung nasa ganitong sitwasyon.
Nahulog sa kanya, ngayon hirap makaahon.
Para akong tanga, umaasa sa wala.
O giliw, hanggang pangarap ka na nga lang ba?
Pag-move on, mahirap man gawin,
Solusyon ito, para sakit ay alisin.
Humanap na lang ng ibang taong mamahalin,
Pero mag-ingat, magmahal ka 'man, masakit pa din.