Ito'y parang isang gulong,
Minsan ika'y angat, minsa'y ikaw ay lubog.
May mga bagay na 'di maiwasan,
Na minsan, pakiramdam nati'y tayo'y walang magandang kahihinatnan.
Hay buhay, buhay, buhay...
Hindi pala sapat ang sinabawang gulay.
Kapalaran, sa ati'y nakasalalay.
Para buhay natin, mabigyan ng kulay.