Tunay na Simbolo ng Pag-ibig

1.1K 10 0
                                    

(Isang Lathalain)

*****

Pag-ibig, ito yung kakaibang nararamdaman mo sa isang lalaki o babae na nagpapakita sayo ng mga bagay na nagiging dahilan para magkagusto ka sa kanya. Marami ang nagsasabi na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki. Pero hindi ako naniniwala dyan. Ito ang halimbawa ko para maintindihan nyo ang gusto kong sabihin.

May isang lalaking nagngangalang George. Matalino siya, mabait at masipag. Pero may isa siyang problema. Bakla siya na naaakit sa kapwa niya lalaki na nagiging dahilan kung bakit nilalayuan sya ng mga tao. Ang masaklap pa rito, pati ang sarili niyang pamilya ay ikinakahiya siya na nagiging dahilan kung bakit lagi siyang depressed. Sinubukan niya ring magpakamatay pero hindi niya ginawa kasi umaasa siyang magbabago ang tingin sa kanya ng mga tao. Naghintay siya ng matagal na panahon at hindi nga siya nagkamali ng akala.

Isang araw, habang naglalakad siya ay may nakabunggo siyang lalaki. Humingi agad ang lalaki ng paumanhin at ganoon

din ang ginawa ni George. Nahulog ang gamit ng lalaki at nakita ni George na "Robert" ang pangalan ng lalaki. Nalaman din niya na nasa iisang paaralan lang pala sila nag-aaral. Mula noon ay lagi nang magkasama si George at Robert. Unti-unti na rin sila nagkakapalagayan ng loob.

Isang gabi habang nagcha-chat sila, tinanong ni Robert si George kung puwede ba siyang ligawan nito. Tinanong naman ni George si Robert kung seryoso siya sa mga ginagawa ni Robert.

"Seryoso ako. Mahal kita George. 'Di ko alam kung paano pero nahulog na ako sayo.", sabi ni Robert.

"Oo na. Puwede mo na 'kong ligawan.", reply ni George.

Makalipas ng tatlong buwang panliligaw ni Robert kay George ay nakuha na niya ang matamis na oo nito. Masaya ang relasyon ni George at Robert. Nagbago na ang pananaw ni George tungkol sa mga LGBTI (Lesbian,Gay,Bisexual and Transgender Individual). Natutunan din niya na pwede pa rin pala mahalin ang mga LGBTI kung sino no ano man sila.

Pero isang araw, dumating ang isa sa kanyang mga pinakamalungkot na sandali. Nalaman niya na si Robert ay na-diagnose na mayroon siyang Leukemia, isang uri ng cancer sa dugo. Binigyan na rin si Robert ng dalawang buwang taning ng doktor. Sa huling dalawang buwan niya dito sa mundo, hiniling ni Robert na ikasal sila ni George kaya lumipad sila sa Amerika para magpakasal. Naganap iyon sa huling isang buwan ni Robert.

Makalipas ng isang buwan, nakahanda na ang lahat. Ang kabaong, ang lugar na paglilibingan ay handa na. Pero may isang pangyayaring 'di inaasahan. Nagpadala ng liham ang doktor na wala nang Leukemia si Robert na ikanatuwa ng lahat lalong-lalo na ni George. Simula noon, magkasama na sila hanggang sa kanilang huling hininga.

Iyon ang aking halimbawa. Ito lang ang paliwanag dyan. Hindi basehan ang seksuwalidad ng isang tao sa pagmamahal. Bagkus, mas mahalaga na binibigyan niyo ng importansya ang inyong pagmamahalan kung sino o ano man kayo, ano man ang katayuan niyo sa ating lipunan, 'yan ang tunay na simbolo ng pagmamahal.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon