Akala ko ikaw na ang itinakada,
Itinakda para sa puso kong nagwawala.
Akala ko talaga, ikaw na,
Ikaw na nagpakita sa'kin kung gaano ako katanga.
Apat na buwan ang nakaraan nang una kitang makita,
Dahil sa kabaitan mo, gusto pa kitang makilala,
Dahil doon ay minahal kita,
Hindi inaasahang mamahalin ka nang sobra sobra.
Inilabas ko ang nararamdaman ko,
Pero gano'n pa rin ang 'yong pakikitungo,
Damdamin ko, iyong iniintindi,
Kaya kung umasta, parang tayo, pero talaga namang hindi.
Gusto mong baguhin ko ang sarili ko,
Para mahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sa'yo,
Para rin ito sa ikabubuti ko, kaya sinubukan ko,
Dumarating sa puntong umuulan ng luha sa kama ko.
Minahal kita nang totoo, higit pa sa sarili ko,
'Yun lang ay kung naramdaman mo ito,
Sana lang, mahalin mo rin ako,
Gaya ng pag-ibig na inaalay ko sa'yo.