Isang Elehiya na inaalay ko sa aking Lola na si Carmelita "Carmen" Punzalan - Eloriaga, na pumanaw kahapon, ika-8 ng Hunyo, taong 2017, ika-5:37 ng hapon, dahil sa sakit sa bato. Hope that you will now rest in peace, Lola Carmen. This is for you.
..oOo..
Nang huli kitang makita, mga tatlong linggo na ang nakararaan,
Kitang-kita sa'yo na ika'y nahihirapan.
Ramdam ko, sakit na iyong nararamdaman,
Sakit na dala ko dahil sa iyong kamatayan.
Isang pangyayaring 'di ko inaasahan,
Sa isang taong alam kong ako'y minahal at inalagaan.
Ibinibigay n'ya, aming mga kagustuhan,
Kahit na 'di namin kailangan, kahit siya'y nahihirapan.
Kahit masakit, kailangan kong tanggapin na wala ka na,
Na patay ka na, na hindi ka na humihinga.
Mga alaala na lamang ang pawang natitira,
Mga alaalang ni kailanman, hindi mabubura.
Sana maligaya ka na sa piling Niya,
Lahat ng paghihirap at pagtitiis ay natapos na.
Kami nawa iyong bantayan,
Hanggang sa makita ka namin sa dulo ng walang hanggan.