CHAPTER 4

4.7K 75 3
                                    

 "It's funny how a person can break your heart, and you can still love them with all the little pieces."  

Nagising ako na sobrang sakit ng mga mata ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagod na kahit pagbangon lang sa higaan ay ang hirap ng gawin. Tumingin ako sa relo na nasa bedside table ko at napagtantong alas nuwebe na pala ng umaga. Hindi ko nagawang magbihis dahil sa pagod at pag-iyak ko kagabi. Mapait akong napangiti sa sarili ko dahil hanggang pag-iyak nalang kaya kong gawin.

Nagpasya akong bumangon at tinungo ang CR ng kwarto ko at naligo. Wala akong balak magtrabaho ngayon kaya hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa buong araw na ito. Day off ko kaya susulitin ko muna to. Wala si daddy ngayon kaya mas lalo akong nagugulohan kung ano ang gagawin ko.

Ng matapos akong maligo, nagsuot lang ako ng faded jeans na tinernohan ko ng white v-neck na tshirt at saka itinali ko na rin ang buhok ko kahit basa. Isa kasi sa nakasanayan ko na ang magtali ng buhok. Kahit kailan ay hindi ko ito nilulugay. Ayoko lang at saka tinatamad rin akong mag-ayos. Nagsuot lang din ako ng sneakers para mas kumportable ako ngayong araw.

Ng matapos akong mag-ayos ay agad akong umalis papunta sa mall. Wala na akong balak kumain kaya hindi na ako nag abalang magpaluto kina manang. Nang makarating ako ay nag-ikot ikot lang ako sa loob at nahirapan akong mag-isip kung ano ang bibilhin.

Nang napagod ako ay nagpasya akong umupo muna sa bench na nasa gitna ng mall. Mabuti at bakante ito kahit na sobrang dami ng tao ngayon.

"Audrey?" Napalingon ako ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Agad kong hinanap kung sino man ito.

"Oh Dylan?" Napangiti ako ng makita ko ang kasamahan ko sa ospital. Agad itong lumapit ng makilala ko.

"Day-off mo rin pala ngayon?"

"Oo. Ikaw rin?"

"Yes. Are you alone?"

"Yup. Busy si Dad eh." Sagot ko sa kanya.

"By the way, say hi to Doc Ben for me."

"Oh sure."

"So, okay lang ba na samahan nalang kita? Total parehas lang naman tayong walang kasama." Napaisip ako sa imbitasyon niya at magiliw itong tinanggap.

"Not a problem. Let's go?" Yaya ko naman sa kanya. Sumilay sa gwapong mukha nito ang kasiyahan ng tinanggap ko ang alok niya.

"It's a pleasure." Ganting puri naman nito.

Naglibot-libot lang kami sa buong mall dahil wala rin naman kaming nagustohang bilhin. At ng medyo napagod na kami ay nagpasya na kaming umuwi.

Nagpasya kami ni Dylan na kumain muna bago umuwi. Napili namin ang bagong bukas na Chinese restaurant dito sa mall. Masaya kaming nag-uusap habang naghihintay sa order namin.

"You are really funny, Audrey." Kumento ni Dylan sakin.

"How can you say that?"

"Well, you can make people laugh. As easy as that."

Hindi ko maitatanggi na sobrang sweet ni Dylan. Exact opposite ni Travis. Napabuntong hininga ako dahil naaalala ko na naman siya. Walang segundo atang hindi siya sumasagi sa isip ko. Marahil ay napansin ni Dylan ang biglaang pag-iba ng mood ko.

"Is there anything wrong, Aud? You seemed bothered?" Halata sa boses nito ang pag-aalala. I looked at him at the eyes.

"Can I ask you a question?"

"Sure. What is it?"

"Hmmm. Have you ever been in love before?" Diretsahang tanong ko sa kanya. Hindi siguro nito inaasahan ang naging tanong ko dahil nabakasan ko ang konting gulat sa mukha nito.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon