"Perhaps, the problem is not the intensity of your love, but the quality of the people you are loving."
Matapos ang nangyari sa amin ni Travis noong gabing yun ay nagbago na ito. Madalas ko na itong nakikitang nakangiti sa akin at mas lalo itong naging maalaga. Minsan nga naguguluhan ako sa mga nangyayari, kasi hindi kami nag-usap ni Travis parang sa isang iglap lang ganito na agad.
Minsan rin parang sinasabi ng utak ko wag kong sanayin ang sarili ko sa ginagawa ni Travis baka panandalian lang ito, o baka sinabihan lang siya nila daddy Xander na maging mabait sa akin. Baka ginagawa lang niya ito dahil sa may kapalit. Gaya ng pagpayag niya sa kasal namin.
Pero ang puso ko naman nagsasabing cherish each moment... Tama nga naman. Imbes na mag-isip ako ng masasama eh isipin ko nalang na masaya ako sa mga nangyayari.
Dalawang linggo na simula ng ma-aksidente ako at dalawang linggo na rin mula ng gabing iyon kaya ngayon mas nakakagalaw na ako. Nakatulong sa mabilis na paggaling ko ang pag-aalaga ni Travis. At alam kong masaya ako at masaya ang puso ko kaya nararamdaman siguro ng mga anak namin. Kasalukuyan akong nag-iikot sa may pool ngayon dahil sa pasado alas 5 na ng hapon at masarap ang simoy ng hangin kaya nakapag-pasya akong maglakad-lakad para ma-exercise ang mga binti ko.
Anim na buwan palang ang tiyan ko pero parang puputok na ito sa sobrang laki dahil sa twins sila. Kaya grabi rin ang pagcontrol ko sa pagkain ng mga nakakataba o nakakalaki ng baby dahil baka mahirapan akong manganak. Kahit alam kong mas safe if cesarean method ang pipiliin ko gusto ko paring iluwal sila sa normal na paraan.
"Hi." nagulat ako dahil sa may biglang nagsalita sa likod ko. Agad ko itong tiningnan at laking ginhawa ko ng makita si Travis.
"Hi. Ang aga mo ata?" nakangiti kong tanong. Lumapit ito sa akin at saka hinagkan ako sa noo. Naging habit na ito minsan ni Travis na hagkan ako sa noo. At kahit matagal na niya itong ginagawa nakakaramdam pa rin ako ng sobrang kilig at kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko pag dumadampi na ang mga labi nito.
"I'm the boss. How's your day? Di ka ba pinapahirapan nila babies?" tanong nito na may ngiti sa mga labi at hinaplos ang tiyan ko. Masaya ako dahil nakikita kong tanggap na ni Travis ang tungkol sa mga bata.
"Okay lang, di naman. Medyo bumibigat lang sila. Look at me, para akong nakalunok ng salbabida sa sobrang laki ng tiyan ko." may pagmamaktol na sabi ko.
"Hahaha! No you're not. You're beautiful. Mas gumaganda ka nga lalo." napa-angat ako ng tingin dito dahil hindi pa rin ako sanay na sinasabihan niya ako ng maganda. Isa rin sa mga ginagawa ni Travis simula ng maging okay kami ay yung ganito, lagi niyang sinasabi na maganda ako sa tuwing sinasabi kong para akong balyena sa sobrang laki.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...