"I know you don't love me but my heart does not understand."
Nakaupo lang ako ngayon sa kama habang hawak hawak ang cellphone ko. Pasado alas otso na ng umaga kaya ilang minuto nalang at haharapin ko na si Travis.
I texted him last night na gusto kong makipagkita. At first sabi niya busy siya dahil may business meeting siya pero later on pumayag rin ito.
Napangiti ako ulit ng maalala na ipapa-cancel daw nito ang meeting para lang makipagkita sa akin.
I somehow felt special. Pero alam kong ako lang ang nag-iisip nito.
Beep... beep...
Napatingin ako ng nag vibrate bigla ang cellphone ko at alam kong may text na dumating. Binuksan ko ito at nagsimula na namang kabahan ng mabasa ang pangalan ni Travis.
I'm here.
Napatayo ako at saka dali-daling pumunta sa harap ng salamin para tingnan ang kabuohang ayos ko. Pinili kong suotin ang puting bistida na hanggang tuhod ang taas at medyo hapit sa baywang. Plain white lang ito kaya sobrang simple lang. Hindi na rin ako nag abalang ayosin ang buhok ko at hinayaan lang itong nakalugay. Feel ko lang maglugay ngayon. Nag-apply lang ako ng kaunting lip tint, mascara at blush on para magkakulay ng kaonti ang mukha ko.
Isa rin kasi sa nararanasan ng buntis ay yung pagka putla kaya kailangan talagang magtake ng iron supplements throughout sa pagbubuntis.
Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti.
"Let's go and meet your daddy, baby."
Umalis na ako sa harap ng salamin at saka tinungo ang pinto ng kwarto. Pababa na ako ng masilayan ko ang likod ni Travis habang may kausap sa cellphone.
"I'll be there, babe. Saglit lang ako. I love you." narinig kong sabi nito sa kausap.
Napahinto ako sa huling baitang dahil sa kirot na naramdaman mula sa mga salita nito.
Nagkabalikan ba sila ni Kate?
Napayuko ako dahil parang gusto kong umatras at wag nalang sabihin sa kanya pero huli na dahil pumihit na ito paharap sa akin.
Nagtama ang mga mata namin at hindi ko magawang mag iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya ng mapansin ang paghagod ng tingin nito sa akin mula ulo hanggang paa. Napansin ko rin ang munting pagsilay ng kamanghaan sa mga mata nito.
Umiwas na ako ng tingin dahil sobrang init na ng pisngi ko. Parang napansin rin nito ang pagkahiya ko kaya nag iwas rin ito.
"Well, ano ba yung sasabihin mo?" tanong nito ng makalapit ako.
"We should talk about it sa veranda. If it's okay for you?" aya ko dito. I need to sit down dahil baka kung ano ang mangyari sa akin.
Tumango lang ito kaya iginiya ko ito papunta sa veranda.
"What do you want? Coffee, juice or tea?"
"No thanks. Hindi rin ako magtatagal. Kate is waiting for me." nasilayan ko ang munting ngiti sa mukha nito sa pagbanggit ng pangalan ni Kate.
Confirmed. Nagkabalikan nga sila. Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo nalang ako sa katapat nitong upuan.
"So hindi na tuloy yung plano?" di ko mapigilang itanong. Nakatingin ako sa mukha nito at God knows kung ano ang pagpipigil ang ginagawa ko ngayon para di maiyak sa harap niya.
"Wag na. Palpak na rin naman yun simula pa. We're okay now. No need for that plan to go on." umiwas ito ng tingin sa akin at napansin kong medyo may pagkadismaya sa boses nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/91250660-288-k392131.jpg)
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...