"Sometimes all you need is a second chance, because time wasn't ready for the first one."
TRAVIS' POV
Narating ko agad ang hotel na kinaroroonan ni Kate ngayon at napag-alamanko na rin sa manager nito na nandun na ang dalaga para magpahinga dahiltapos na ito sa appointment sa araw na yun.
Tinahak ko ang front desk upang magtanong kung anong room si Kate.
"Good afternoon sir. How may I help you?" bati agad ng babae na nasa frontdesk
"May I know Ms. Kate Reyes' room please?" marahil ay nakilala niya ako dahilwala na itong ibang tinanong at agad na ibinigay ang room number ngtinutuluyan ni Kate.
I am still her boyfriend .. sa mga mata ng ibang tao.
Nang ikasal kami ni Audrey sinadya kong hindi ipaalam sa media ang lahat. Minsan ng kumalat na isa si Audrey sa mga naging babae ko dahil na rin sa naging plano ko noon para kay Kate. Pero bigla rin naglahong parang bula ang issue na yun dahil nakita na naman ako ng mga reporter na si Kate na naman ang kasama.
Kaya alam kong sa mga panahong yun si Audrey ang pinaka nagdusa. Nakatanggap siya ng mga kung ano-anung masamang salita dahil sa kagagohan ko. Pero kahit yun yung nangyari hindi pa rin ako iniwan ni Audrey kaya ngayon gustong gawin ang lahat makabawi lang sa lahat ng nagawa ko kay Audrey.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad tinahak ang daan papunta kay Kate. Gustong guusto ko ng matapos ito lahat ng masimulan ko na ang pagsuyo kina Audrey at sa kambal. Masyadong marami ng oras ang nasayang dahil sa kagagohan ko kaya kailangan ko ng madaliin itong lahat at taposin ang kung anong meron kami ni Kate.
Nang marati ko ang tapat ng hotel room ni Audrey ay hindi na ako nagbigay pa ng oras para kumatok at bigla ko nalang binuksan ang pinto at pumasok.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad tumambad sa mga mata ko ang imahe ng dalawang tao na may ginagawang kahalayan sa ibabaw ng kama.
"What the fuck?!" di ko mapigilang isigaw. Agad namang napatigil ang dalawa at nanglaki ang mga mata ng makita ako. Dali-daling tinakpan ni Kate ang hubo't hubad na katawan at ang lalaki rin ay agad tumalon paalis sa kama at dali-daling pinulot ang mga damit at umalis na.
Hindi ko na inaksayahan ng atensyon ang lalaki dahil hindi ko rin ito kilala. Hindi ko inalis ang masamang tingin kay Kate na ngayon ay nakatingin din sa akin at halata ang takot sa mga mata.
"B-babe ... let me explain." pagsisimula nito. Napatawa ako bigla sa sinabi nito sa akin.

BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...