CHAPTER 15

4.3K 62 7
                                    

I dedicate this chapter to Twighlight_Angel thank you for your support ❤ here's an update I made tonight for you.

The biggest problem is that, I still care. A lot.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at laking pasasalamat ko kay Dylan dahil hindi ito nagtatanong kung anong nangyari... ayoko rin kasing magkwento.

Kanina pa ako kumalma mula ng mag-usap kami ni Travis. Naaapektohan talaga ako ng sobrang pag involved na si dad.

Kasalanan mo talaga to lahat Audrey! If in the first place hindi ka na dapat pumayag wala na sana to!

Kung hindi nalang sana ako pumunta sa party na yun, hindi sana to mangyayari. Pero wala na akong magagawa, at alam ko ring kahit anong pilit ko kay Travis ay wala itong gagawin. Ito rin naman ang gusto nito, ang lumabas sa lahat na may bago na siya para makita at marealize ni Kate na mahal niya talaga si Travis.

Hanggang saan ba ako magpapakatanga ng dahil sa pagmamahal ko kay Travis? Kaya ko naman eh, kaya kong gawin ang lahat para sa kanya pero ngayong nadadamay na si dad sa mga pinaggagawa ko ... ayoko na.

"Audrey?" naputol ang pagmumuni ko ng tinawag ako ni Dylan. Nilingon ko ito at saka ko lang napansin na nakatigil na pala yung sasakyan.

"We're here. Let's go?" tiningnan ko ang labas at nakitang nasa isang children's park pala kami ngayon. Agad kong tinanggal ang seatbelt at lumabas ng buksan ni Dylan ang pinto. Wala pa rin akong kibo habang tinatanaw ang kabuohan ng lugar.

Nakasunod lang si Dylan sa akin hanggang sa dumating kami sa bakanteng swing doon at saka umupo.

"I know you are not okay. Hindi kita pipiliting magkwento. But, always remember na andito lang ako lagi for you Aud." tumingin ako kay Dylan at nakita ko ang sobrang sincerity niya kaya nakaramdam ulit ako na may magbabadyang luha na naman at kakawala.

"I'm really thankful for having you right now, Dy. It's just that di pa ako handang magkwento." sagot ko nalang.

"Alam ko. At alam ko rin na may kinalaman si Xander dito." pagkabanggit nito sa pangalan ni Travis ay nag-iwas ako ng tingin.

"You know what, hindi naman masama ang magmahal Aud. Pero kung sobra kanang nasasaktan at hindi ka niya napapasaya. Maybe it's time to let go." nakikinig pa rin ako kay Dylan.

"I'm sorry but nakita ko yung balita. That's why pumunta ako sa office mo to tell you about it. Pero naunahan ako ng daddy mo."

"Sana wag kang magpa-apekto sa sinasabi ng iba, Aud. Dahil kami na nakakakilala sayo ay alam kung ano yung totoo talaga. I'm so disappointed with Xander dahil siya ang may kasalanan kung bakit andito ka sa sitwasyon mo ngayon."

"No. Hindi niya kasalanan. It's my fault." pagdepensa ko. Ayokong sabihin kay Dylan na may kasunduan kami ni Travis na kasalanan ko dahil pumayag ako.

"I know mahal mo siya..." ng sinabi ito ni Dylan at napatingin ako dito. Nakatungo lang ito habang ginagalaq ng konti ang swing.

"Kahit di mo sabihin, nakikita ko. Alam kong mahal mo siya." at tumingin ito sa akin.

Is he crying?

Napansin ko na sobrang pula ng mga mata nito na ilang segundo nalang ay tutulo na ang mga luha niya.

Pero bigla itong ngumiti ...

"Pero alam kong kahit anong sabihin ko to let him go because you deserve someone better or the best alam kong di mo kayang gawin. Dahil ... kahit ako hindi ko rin kayang bumitaw. Hindi pa ..." bigla itong nag-iwas ng tingin.

What does he mean?

Tumingin ulit ito sa akin at this time sobrang lapad ng ngiti nito.

"Kaya to make you feel better let's enjoy the rest of the day. Kalimotan mo muna ang lahat at mag-enjoy. I'll go grab some ice cream. Okay?" Tumayo na ito at saka umalis. Hindi na niya hinintay ang sagot ko.

Pagkalipas ng sampung minuto ay nakabalik na si Dylan at may bitbit na itong dalawang ice cream in cone.

"I bet this is your favorite." napangiti ako ng konti ng makita ang cookies and cream na ice cream.

"Paano mo nalaman?" tanong ko nalang at sinimulang kainin ang ice cream.

"Secret .. I always have my ways." at saka tumawa ito.

Pinagmasdan naming dalawa ni Dylan ang mga batang masayang naglalaro sa park habang naghahabolan. At yung mga pamilyang masayang nagkukuwentohan habang nagpipicnic. At pati na rin ang mga couples na naglalambingan.

Makikita mo sa mga mukha nila na sobrang saya nila na kahit nasa ganitong lugar lang sila ay sobrang kaligayahan na yun para sa kanila.

dahil sa iisang rason...

kasama nila yung mga taong mahal nila at alam nilang mahal din sila.

"Hey kiddo, be careful." napatigil ako sa iniisip ko ng marinig ko si Dylan. At ng lingonin ko ito ay may kaharap na itong batang lalaki.

"What happened?" tanong ko agad at saka nilapitan ang batang parang iiyak na.

"Mommy..." bigla akong napatigil sa sinabi ng bata.

Sobrang sarap marinig ang mga katagang yun.

"Nawawala ka ba? Hinahanap mo yung mommy mo?" tanong ko dito habang pinupunasan ang mga luhang unti unti ng tumutulo.

Tumango lang ito.

"Let's go and find your mommy. Don't worry sasamahan ka namin." Pag-aalo ni Dylan sa bata na halatang nasa mga four years old.

Hinawakan ko ang kabilang kamay nito at si Dylan naman sa kabila. Nagsimula na kaming maglakad at ng lumipas ang sampung minuto ay napansin namin ang isang babaeng nasa mga edad trenta na papalapit sa amin.

"Kaden! Oh my God! I'm sorry baby. Mommy's here." niyakap niya ito agad ng makalapit at saka binuhat. Tumingin sa amin ang babae at ngumiti. Halata rin sa mukha nito ang sobrang pagkabahala.

"Thank you so much talaga. Kanina ko pa siya hinahanap. Salamat talaga at nakita niyo."

"No worries ma'am. Bigla lang din po siyang pumunta sa akin at hinahanap ka." may ngiting sabi ni Dylan.

"Ang cute at gwapo niyang bata, maam." bigla ko nalang nasabi.

"Thank you. Sige ha, alis na kami. Naghihintay na kasi yung daddy niya. Salamat ulit. Say bye na Kaden" sabi ng babae kay Kaden ...

"Bye Kaden." sabi namin ni Dylan. Tumingin lang si Kaden at saka nagsmile. Nagtago ulit ito sa leeg ng mommy niya kaya napatawa ako dahil sobrang cute niya.

"Sus, nahiya pa tong batang to. Sige ha, bye. Alis na kami."

Matapos makaalis nila Kaden ay bigla nalang akong may naisip.

"Kaden ..." bigla ko nalang nasambit.

"Hmm?" tanong ni Dylan.

Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti...

"Kaden ... my future baby's name." sagot ko nalang.

Bigla itong tumawa kaya napatingin ako at kumunot ang noo.

"What's wrong?"

"May nakita kalang bata nag-iisip ka na agad ng baby?" may halong biro sa boses nito.

"Che! Dati ko pa talaga gusto yung pangalan na yun. And meeting that baby boy is a sign na yan na talaga yung ipapangalan ko sa future baby ko... if lalaki."

"I'm happy to see you smiling again, Aud. I hope you can have that smile always." biglang sabi ni Dylan. Sobrang seryoso na ng mukha nito.

"Dy?" takang tanong ko.

"Hmm? Nothing. Let's go? Dinner tayo? My treat." napangiti ako sa kanya at saka tumango.

Ang sarap ng ganito ... sana ganito nalang lagi. Yung masaya ako. Pero alam ko na pagkatapos nito, babalik at babalik rin ako sa dati...

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon