CHAPTER 1

11.4K 135 14
                                    

"I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen." 

They said once you fall in love it can never be stopped. It is a feeling that you can never teach when to start or whom to give your love.

You will just find yourself falling head over heels in love with a person whom you should never love.

Yes, I fell with someone who's also madly in love with someone else. I am just his crying shoulder, a friend to lean on every time he got his heart broken by her. I am just someone he will never spare a glance to.

Nakikinig na naman ako sa mga hikbi ni Travis, ang mahal ko. Andito kami sa bar ng kaibigan nito, in fact kakarating ko nga lang galing pa sa hospital at dito na ako dumiretso ng tumawag ito bigla. Nakatungo lang ito sa lamesa habang walang sawang binabanggit ang pangalan ng babaeng mahal niya.

Hindi ko maiwasang maiyak dahil alam kong mas doble pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa sa kanya. Masakit dahil nasasaktan siya pero mas masakit dahil alam kong hindi niya ako kayang mahalin. He never see me as someone he can love.

"Kate... bakit?!" hinahampas na rin nito ang lamesa kaya agad kong pinigilan ang mga kamay nito.

"Travis, stop it. Masasaktan ka lang."

"No! I want her back! Please!" umiiyak pa rin ito kahit halatang lasing na lasing na.

"Stop it. Walang patutunguhan ang pag-iyak mo. Iniwan ka na niya." At mas lalong kumirot ang dibdib ko ng tumigil ito at tumingin ng direkta sa mata ko.

"Why? What's wrong with me?" hindi ko napigilang mapaiyak habang tumitingin sa kanya.

"Nothing's wrong with you, Trav. You have everything a girl could ever ask for." Sagot ko sa kanya.

"Pero bakit niya ako nagawang iwan? I gave her everything! I can give her anything she wants." Shit. Mas lalong umagos ang mga luha sa mga mata ko kasabay ng bawat kirot ng puso ko.

"Don't ruin yourself because she left you. Show her that you can live without her."

"No. I can't Audrey. She's my life. I want her back."

Ang sakit. Ang sakit ng bawat salitang binibitawan niya. Ang sakit malamang kahit anong gawin ni Kate ay siya pa rin.

"Please help me, Aud. Please." He's pleading. I want to say no dahil masakit na. Pero hindi ko kaya. I love him to the point na kaya kong magpaka-martyr para lang sa kanya.

"Okay, I'll help you. How?" pagsuko ko. Bigla nitong ibinangon ang ulo nitong nakasubsob sa lamesa at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko.

"Help me to make her realize my importance. Let me use you to make her jealous."

Kung kanina masakit na, mas triple na ngayong ang sakit na nararamdaman ko. Use me? He will use me to make her jealous? Ang pait ng role ko sa buhay niya. Ako yung nilalapitan niya every time hindi sila okay ni Kate at ngayon gagamitin niya ako.

Bakit kahit alam kong ikamamatay ko yung sakit eh hindi ko siya magawang hindian? Ganito ba talaga pag mahal mo ang isang tao? Kaya mong gawin ang lahat para lang sa kasiyahan niya kahit kapalit nun ay ang kaligayahan mo.

"I know she will realize it once she saw us. She'll realize that she can't live without me. I know her." Double kill.

"Please Audrey."

Tumingin ako sa mga mata niya at nakita kong medyo nagulat ito. Marahil ay ngayon lang niya ako nakitang umiiyak. Yes, never akong umiyak sa harap niya. Ngayon lang. Dahil ngayon lang ako nasaktan ng sobra sobra.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon