CHAPTER 39

3.7K 50 9
                                    

"A single lie discovered is enough to create doubt in every truth expressed."



AUDREY'S POV


Ilang araw na ang lumipas simula noong nagkita kami ulit ni Travis, umalis ito at hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng sakit at takot na baka mali na pinapasok ko ulit siya sa buhay ko. 




Alam kong pinuntahan nito si Kate at nakipag-usap. At kahit ayokong makaramdam ng takot ay hindi ko parin maiwasan.



Ayoko ng umasa, pagod na ako. Kung hindi na siya babalik at mas napagtanto niyang si Kate pa rin ang mas matimbang sa kanya, tatanggapin ko. 



Nakaya kong alisin siya sa isip ko, nakaya kong mamuhay na wala siya dahil para sa akin sapat na ang kambal. Nagsisisi akong nagkausap pa kami. Kung sana mas tinapangan ko ang sarili ko at hindi siya hinarap, hindi na sana nagulo ulit ang buhay namin ng kambal.




"Are you okay, anak?" Napaangat ako ng ulo dahil sa gulat ng may magsalita.



"D-dad? Kailan ka pa dumating?" tumayo ako at saka lumapit dito upang yakapin. I missed this.



"Kararating ko lang hindi na ako nagpasabi na darating ako dahil gusto ko kayong sorpresahin." nakangiting sabi nito ng maghiwalay kami. Iginiya niya ako pabalik sa pag-upo.



"Is there anything wrong? Asan ang kambal?" sunod sunod na tanong nito sa akin.



"Tulog po sila. Mamaya't mamaya gigising na rin ang mga iyon. Wala naman dad, medyo may gumugulo lang sa isip ko ngayon." iwas ko ng tingin kay dad. At alam kong hindi ito naniniwala sa akin.



"Alam mo namang isang tingin ko lang sayo alam ko na na may problema ka. You can always talk to me about anything, Audrey. I'll listen." masuyong sabi ni dad. Tumingin ako sa mga mata nito. 



Paano ko ba kakayanin ang lahat ng ito kung wala si dad? Ngumiti ako ng mapait bago magsalita.




"Nagkausap na po kami ni Travis at alam na po niya ang tungkol sa kambal." pagsisimula ko.



"Eh kung ganun mabuti at nalaman na niya. Hindi mo rin naman intensyong itago ang kambal sa tatay nila. Si Travis lang yung hindi naghanap sa inyo. At alam mo rin na sa mata ng batas may karapatan si Travis sa kambal." sagot naman ni dad.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon