CHAPTER 10

4.4K 81 2
                                    

"Loving you is like living inside a storm. In the end, I can only come out broken, twisted, and shattered." 

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko basta sumunod nalang ako sa bawat galaw ng mga labi ni Travis. Wala akong ibang maramdaman kundi ang sobrang bilis na tibok ng puso ko at ang bawat galaw ng mga labi ni Travis.

Ibang iba ito, hindi lasing si Travis ngayon. 

Hindi ko alam kung ilang segundo ang tinagal ng pagtutukaan namin ni Travis ng tumigil ito bigla.

"Shit! I'm sorry! I should have not done it! Damn it!" bigla itong lumayo sa akin at sinabunoton ang sariling buhok. Kung kanina sobrang saya ko dahil sa kauna-unahang beses ay hinalikan ako ni Travis ng hindi ito lasing. Pero, ngayon habang nakatingin ako sa kanya at nakikita kung gaano niya pinagsisihan ang ginawa ay doble ang sakit na naramdaman ko.

"I got carried away. I'm sorry." sabi ulit nito ng humarap ito ulit sa akin.

Napatawa ako ng mapakla at iniwas ang tingin sa kanya dahil konti nalang ay papatak na ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.

"No need to say sorry." yun lang ang sinabi ko at tinalikuran ito upang bumalik sa loob.

"Audrey!" rinig kong sigaw nito pero hindi ako tumigil at mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad para lang mas madaling makaalis ako sa lugar na yun.

Nasasaktan ako, sobra. Nasasaktan ako kasi umasa ako. Umasa akong may nararamdaman na kahit konti si Travis sa akin. Hahalikan ba niya ako ng walang dahilan? Hindi ba? Tama ako diba?

Kahit sinong babae pwedeng halikan ni Travis, Audrey. Hindi lang ikaw. He's a known player before, nong hindi pa dumating si Kate sa buhay niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak ng makarating ako sa CR. Hindi ko na alam kung paano ko natuntun ang lugar nato basta ang importante ngayon ay ang maiyak ko na ito lahat. Ilang minuto pa ang inilagi ko sa isa sa mga cubicles ng CR na yun at nagpasya akong lumabas para ayusin ang sarili ko.

Bago pa nga ako dumating at ito na ang ginawa ko, sinira ko ang pinaghirapan nila Monique. Mabuti at waterproof ang mascara at eyeliner na ginamit sa akin kaya hindi masyadong nabura. Binuksan ko ang pouch na dala-dala ko at laking pasasalamat na may pang-retouch ako sa loob.

Monique.

Hinanda niya talaga ang lahat para sa gabing ito kaya kahit hindi naging maganda ang simula nito para sa akin, gagawin ko nalang ay ang enjoyin ito hanggang matapos. The hell with that deal. 

Matapos makapag-ayos ay lumabas na ako para hanapin si Dad. At hindi naman ako nahirapan dahil natanaw ko na ito agad na kausap ang mga parents ni Travis. Mabuti at wala ang lalaking yun kasama sila.

"Hi dad, tita, tito." bati ko sa kanila at ngumiti.

"Oh anak, where have you been? Are you okay?" biglang tanong ni dad. Ngumiti ako sa kanya ng sobrang lapad para hindi nito mahalata na hindi talaga ako okay.

"Yes dad, dyan lang po sa labas." sagot ko

"Diba magkasama kayo ni Travis iha? Where is he?" tanong naman ni Tita sa akin.

"May kinausap po kaya nauna nalang akong bumalik dito." pagdadahilan ko naman.

"Ah okay, by the way iha, can you come with me? Kukuha ako ng foods para sa Tito mo at Daddy." aya ni Tita sa akin

"Oo sure Tita. Let's go?" 

Nagpaalam kami saglit kina dad at tito na busy na rin sa pag-uusap about business. Kasi kahit na doctor si daddy may iilang business rin naman ito. Mostly mga restaurants yung kay dad. Kung di nga lang ako naging doctor, ako sana ang hahawak kaso di ko rin maiwanan ang napili kong career at sundin ang isa sa mga hilig ko, ang pagluluto.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon