"Don't depend too much on anyone in this world. Even your shadow leaves you when you're in darkness."
TRAVIS' POV
Papasok na sana ako sa loob ng mansion para puntahan sina Marcus ng mapansin kong hindi na nakasunod si Audrey sa akin. Nilingon ko ito para sana malaman kung papasok rin ba ito ng mapansin kong parang may masakit sa kanya at nakahawak ito ng maigi sa tiyan niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting pag-aalala. Kaya kahit ayoko ay nagpa-ubaya na ako sa katawan ko at saka nilapitan ito.
"Are you okay?" hinawakan ko ito sa balikat at napansin ko na medyo nagulat ito.
"Ahh, o-oo. Sumipa kasi si baby kaya medyo masakit." hindi ko alam pero parang na-excite ako bigla sa sinabi niya.
"Really?! Can I feel it?" di ko mapigilang masabi.
"Ha?" rinig kong tanong nito.
"I said can I feel him kick?" Him. I don't know pero gusto ko lalaki siya. Nilagay ko bigla ang kamay ko sa umbok ng tiyan na para sana maramdaman ang pagsipa ng baby. Naghihintay talaga ako dahil gusto kong maramdaman.
"Hindi diyan, dito mo ilagay." biglang hinawakan ni Audrey ang kamay ko at saka nilipat sa parte kung saan siguro sumipa ang baby kanina. Pero hindi ko pa rin naramdaman matapos ang ilang segundo. Aalisin ko na sana pero biglang nagsalita si Audrey.
"Baby, sipa ka daw sabi ni daddy." nagulat ako sa sinabi nito at pagkasabi ni Audrey nun ay parang narinig talaga ni baby dahil bigla rin itong sumipa at naramdaman ko. Napangiti ako. Nagulat ako dahil hindi ko alam pero sobrang saya ang naramdaman ko. Sa pagtawag ni Audrey sa akin ng "daddy" at sa pagsipa ni baby na parang kilala niya ako.
Pero hindi ito pwede ...
Si Kate ... bigla kong naalala si Kate. Si Kate ang mahal ko at kahit medyo nagkakalabuan na naman kami ngayon dahil may nangyaring away sa pagitan namin, siya ang mahal ko...
Galit ako ni Audrey at hindi ko ito anak ...
"T" ng magsalita si Audrey ay doon na bumalik ang lahat. Ng makita ko siya muling bumalik ang mga nangyari, na dapat hindi siya ang nandito kundi si Kate. Inalis ko ang kamay sa tiyan niya at saka tumayo ng tuwid. Iniwas ko ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomansaShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...