CHAPTER 23

3.8K 61 6
                                    

"Today my forest is dark. The trees are sad and all the butterflies have broken wings."


Sabi nila, pag-ikakasal daw ang isang babae sila yung pinaka masaya ang pinaka maganda sa araw na yun. Every girls dream for their own perfect wedding. May iba gusto yung simple lang, yung intimate wedding lang na puro family, relatives and close friends lang ng bride and groom ang invited. May iba rin na gusto yung mapa-fairytale like wedding na sobrang bongga at daming decorations ang ilalagay, sobrang daming guests ang invited para ma-witness ang kasal nyo ng taong mahal mo. Yung kulang nalang karwahe yung magdadala sayo papuntang simbahan kung saan naghihintay na ang prince charming mo. Ang saya diba?


Pero kahit gaano pa kaganda o kabongga ang kasal mo, kahit pa gaano kakunti o kadami ang guests niyo, hindi yun mag-mamatter kung alam mong ikakasal ka sa taong mahal mo at mahal ka. 


Kung gaano kaganda ang pinapangarap kong kasal simula noong mamulat ako sa mga bagay na ganyan ay siyang taliwas sa nangyayari ngayon sa buhay ko.


Kasal na namin ngayon ni Travis. Tinutuo nito ang sinabing after two weeks na ang kasal namin at civil wedding lang ang gaganapin. Kahit ayaw nila Tita ito ay wala na rin silang nagawa dahil pinilit ko na rin sila na pumayag sa kagustohan ni Travis.


Andito ako ngayon sa loob ng isa sa mga opisina dito sa municipyo namin at naghihintay lang sa go signal para pumunta sa opisina mismo ng judge na magkakasal sa amin. Nakatingin lang ako sa bintana at tinatanaw ang mga sasakyang dumadaan. Ng naramdaman ko ang biglang pagbukas ng pinto at iniluwa nun si daddy.


Ngumiti ako ng pilit dito at ito rin. Lumapit ito sa akin at saka walang sali-salita ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ito yung gusto ko kay dad, sa yakap lang nito nararamdaman ko na ang sobrang pagmamahal.


"I am so sorry, anak. You deserve more than this." sabi ni dad. Di ko na napigilang mapa-iyak sa sinabi nito. Sinisisi ni dad ang sarili niya sa mga nangyayari kahit alam naming pareho na ako ang may kasalanan nito. 


"D-dad." yun lang ang nasabi ko.


"Please be strong, anak. Give it a try, pag ayaw mo na o hindi mo talaga kaya. Remember, andito lang ako always. To be honest, ayokong makasal ka kay Travis. Ayokong masaktan ka. But I know, deep inside your heart you want it." 


Yes. Oo. Kahit sinasabi kong ayokong ipilit ang sarili ko kay Travis, hindi ko parin matago sa sarili ko na gusto kong bigyan ng chance ang sarili ko. Gusto kong sumugal kahit hindi ako sigurado kung mananalo ako. Gusto kong lumaban kahit hindi ko alam kong mananalo ba ako. And I thank dad for understanding me.


"Basta pag sa oras na saktan ka ni Travis, tell me. Ako na mismo ang maglalayo sayo sa kanya." banta nito na nagpatawa sa akin.


"sshh, stop crying. Sige ka papanget ka dahil masisira ang make-up mo. By the way, you look beautiful, anak." pagpupuri nito sa akin habang pinapahiran ang luha sa mga mata ko gamit ang panyo nito.


"Let's go? They're already waiting for you." anyaya ni dad. Tiningnan ko ulit ang kabuohang ayos ko sa salaming iniwan ng mga nag-ayos sa akin kanina. Naka puting simpleng bestida lang ako na umabot mid-thigh ang taas at hindi masyadong fit ang sa may hips banda at may see-through na design sa dulo ng dress. Short sleeves lang ito para kahit simple, formal din ito tingnan. Ang buhok ko ay naka-tali lang ito at may ilang hibla ng buhok na hinayaang nakalugay lang. Sa make-up, as usual sobrang light at simple lang. Hinawakan ko ang tiyan kong medyo nahahalata na ang umbok at saka ngumiti.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon