"Sometimes the bad things that happen in our lives put us directly on the path to the best things that will ever happen to us."
Dumating na rin ang araw ng annibersaryo ng Cheng Company at ayun sa invitation na binigay ni daddy sa akin kanina ay magsisimula ang party exactly 7:00PM mamayang gabi.
Nasa ospital pa si daddy ngayon kaya baka susunod lang siya sa party mamaya. Tumawag ulit si Dylan kanina to tell me na susunduin niya ako around 6:00 kasi baka ma-late kami dahil medyo traffic pag mga ganyang oras.
Isa sa mga hotel na pagmamay-ari nila Travis ang pinili ng CEO ng Cheng Company kung saan pagdadausan ang party kaya alam kong makikita at makikita ko talaga siya.
Hindi ko naipalam sa parents ni Travis na nakauwi na kami ng kambal baka later pag nakita ko sila, they are still my in-laws and grandparents of the twins, wala rin silang kasalanan sa mga nangyari sa amin ni Travis.
Pinabantayan ko na kina Myla ang kambal dahil kailangan ko ng maghanda, pasado alas kwatro na kasi baka matagalan pa ang pag-aayos sa akin. Si Myla at Gina lang yung maiiwan dito kasama ang kambal, panatag naman ako dahil alam kong mababantayan sila ng mabuti.
Maagang dumating ang stylist at makeup artist kaya maagang masisimulan ang pag-aayos sa akin. Di ko pa nakita sa personal ang gown na susuotin ko dahil tumingin lang ako sa brochure nila, isa kasi ito sa mga limited edition na hindi pa napapalabas ng boutique na yun. Kinuha lang ang measurements ko para i-alter nalang kung kakailanganin.
It means ako pa ang unang susuot ng bagong gawa ng designer nila. Hindi siya totally known na clothing line but guaranteed na sobrang ganda ng mga gawa nila, alam niyo naman pagdating sa fashion di yan basta-basta namimili si Monique ...
So if pasok ito sa taste ni Monique it means maganda talaga. Kaya mas lalo akong naexcite na makita ang napili ko. Sabi rin kasi ng designer mismo babagay daw ito sa akin. Ito na rin mismo ang magdadala ng gown ko at napag-alaman kong papunta na rin ito, pina-una nalang niya yung makeup artist at stylist.
Sinimulan na nila akong ayosan kaya nagpaubaya na ako. Alam na nila kung ano ang gagawin kaya wala na akong sinasabi, tahimik lang akong sumusunod sa mga sinasabi nila. Di nagtagal ay dumating rin ang designer dala ang isang malaking kahon.
"Hello miss Audrey, sorry medyo natagalan ako." hinging paumanhin ni Miss Cathy. She's still young probably around 30's di lang halata kasi parang nasa 20's pa siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/91250660-288-k392131.jpg)
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...