CHAPTER 30

4.8K 71 32
                                    

"Never assume that someone loves you. If they love you they will tell you, show you, or be with you. Assumptions lead to heartbreak."






Time flies so fast ... it's my 8th month. Isang buwan nalang makikita na namin ni Travis ang mga anak namin. Laking pasasalamat ko dahil wala ng naging problema sa pagbubuntis ko. Thank God I'm a doctor kaya may advantage ako. At sa amin ni Travis, kahit hindi nito pa sinasabi ang kung ano talaga ang laman ng isip at puso niya ay naging mas maalaga pa ito.






Hindi ko maikakaila na naging hands-on ito sa pagbubuntis ko. Sa mga unang buwan ng pagbubuntis ko eh wala akong naranasang pagsusuka o cravings. Pero ng dumating ang 7th month ko, doon palang nagsisimula ang paglilihi ko. Gustong gusto kong nakikita lagi si Travis kaya minsan nga hindi ito pumapasok sa opisina para lang samahan ako sa bahay dahil ayokong umaalis ito. Mabuti at supportive si daddy Xander at ito ang sumasalo pag aabsent si Travis. Minsan rin nag-crave ako ng manggang hilaw in the middle of the night. Sobrang kawawa ni Travis dahil wala itong nagawa, wala pa kasing open na tindahan na may manggang hilaw. Mabuti at tumigil rin ako sa pagtatampo pagkatapos niya akong kantahan.





Nakikita ko kay Travis na ginagawa talaga nito ang lahat para sa akin at sa mga bata. Kaya sobrang saya ko. Hindi ko matago sa sarili ko na umasa na may pag-asa pa ang love story naming dalawa.





Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at nanonood ng The Good Doctor ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun si Travis na sobrang seryoso ng mukha.



"Oh hi. Ang aga mo ata?" takang tanong ko dito. Sumulyap lang ito sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin. Alam kong may problema ito.



"May problema ba?" tanong ko ulit. Lumapit lang ito at umupo sa gilid ng kama. Nakatalikod ito ngayon sa akin.



"I'm leaving." parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa narinig. Anong ibig sabihin nito?



"What do you mean?" di ko matago ang pangamba dahil sa sinabi nito.



"What I mean is that, kailangan kong pumunta sa Hong Kong for our branch there. Nagkaroon ng problema." paliwanag nito pero hindi pa rin ito tumitingin sa akin.



"Kailangan ba talagang ikaw ang pumunta?" di ko mapigilang tanong. Hindi ko alam pero parang may tinatago ito.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon