"When you love someone more than they deserve, surely they will hurt you more than you deserve."
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang may nagkakarerang kabayo sa loob sa sobrang lakas. Literal na sobrang panginginig at lamig ang nararamdaman ng buong katawan ko. Andito ako ngayon sa living room habang hinihintay sina dad at ang parents ni Travis.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang maghanda pa para sa dinner ngayong gabi. Mabuti at hindi ako nasugatan ng kutsilyo o napaso man lang dahil sa pag-aalala. Ang dami kong tanong bakit nagkaganito ang lahat.
Kahit papaano ay naghanda rin ako, nakasuot lang ako ng dark navy blue BoatNeck sleeveless Vintage Tea dress na hanggang tuhod ang taas at may belt na hindi ko nilagay dahil baka maipit ang anak ko. Kahit 1 month palang itong ay hindi ko parin magawang magrisk. Naka-flats lang ako ngayon dahil hindi rin naman to totally formal gathering talaga.
Napatayo ako agad ng marinig ang tunog ng doorbell at mga sasakyang isa-isang tumigil sa harap ng bahay. Mas dumoble ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin.
Bumukas ang main door at doon iniluwa si dad kasunod ang parents ni Travis. Wala siya. Humakbang ako palapit sa kanila para batiin pero hindi ko magawa. Napako lang ako sa living room at doon ako napansin nila dad.
Nakita ko ang pag-aalala na nababakas sa mukha nito. At saka tiningnan ko si Tita Trina bakas rin sa mukha nito ang pag-aalala pero mas nangibabaw ang kasiyahang masisilayan mo sa mga mata niya.
Hindi ko pa rin magawang gumalaw kaya bago ko pa pilitin ulit ang sarili kong mga paa para humakbang ay nakita ko nalang ang sarili kong yakap-yakap ni Tita Trina.
"Congratulations, iha. I'm so happy right now. It's a dream come true for me." bulong ni Tita sa akin. Di ko mapigilang mapangiti at mapayakap rin dito dahil nararamdaman ko talaga ang kasiyahan nito.
"Thank you po and I'm sorry for everything..." mag-eexplain pa sana ako ng pigilan ako ulit ni tita.
"Sshhh, don't say sorry. Alam mo naman kung gaano ko kagusto na kayo ni Travis ang magkatuluyan. Bonus lang tong apo ako." may halong pagbibiro na sa tinig ni Tita. Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin at saka marahang hinaplos ang pisngi ko habang nakatingin sa akin na puno ng kasiyahan.
"Wag mo namang ipagdamot ang magiging apo at daughter-in-law ko, honey." nagbibirong sabi ni Tito Xander at saka ako niyakap. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng munting butil ng luha sa mga mata ko at alam kong luha ng kasiyahan ito.
"Welcome to the family, iha." bulong ni tito Xander.
Kumalas na kami sa pagkakayakap at saka masayang nagpasalamat ako kay Tito sa pagtanggap. Bago pa kami magka-dramahan ay nakarinig kami ng kotseng huminto sa harap ng bahay. Napatingin ako bigla sa pinto at hindi ko maiwasang kabahan at ma-excite sa ideyang baka dumating si Travis. Napatingin rin sina Tita sa pinto at saka iniluwa doon si Travis na nakabusangot ang mukha at halatang galit na galit.
Tumingin ito kina Dad at saka tumango ng walang gana at saka tiningnan ako at nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon sa mga mata nito. Sobrang galit at pagkapoot ang naaaninag ko dito kaya agad akong umiwas dahil nakaramdam ako ng takot.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...