CHAPTER 5

4.3K 67 0
                                    

 "I'm not sure what scares me more, that you will never start loving me, or that I will never stop loving you." 

Matapos ang usapan namin ni Travis kanina ay dumiretso ako agad dito sa bahay, sa bahay ni daddy. Ayoko munang umuwi sa sarili kong bahay dahil alam kong mas malulungkot pa ako kung doon ako pupunta.

Almost a month na rin ng huli akong umuwi dito, kahit na ayaw ni dad na bumukod ako ng bahay ay pinilit ko pa rin ito. Ng maging ganap na doctor ako at ng makuha ko ang kauna-unahang sahod ko bilang isang doctor ay bahay agad ang binili ko. Ito kasi ang ipinangako ko sa mga yumaong magulang ko na bibilhan ko sila ng sariling bahay. At alam kong ito rin ang dahilan kung bakit pumayag si dad dahil alam niyang gusto ko lang tuparin ang pangarap ko para sa mga magulang ko.

Pero sa lagay ko ngayon ayoko munang umuwi doon, ayoko munang magmukmok. Nasa ospital si dad ngayon kaya walang tao ngayon at malamang umalis si Manang Tessa para mamalengke. Kaya ng dumating ako dito sa bahay ay agad akong dumiretso sa dating kwarto ko at nahiga. Agad bumalik sa ala-ala ko ang naging usapan namin kanina ni Travis. Hindi ko magawang umiyak ngayon at hindi ko alam kung bakit.

Baka pagod na yung puso mo?

Sigaw ng utak ko. Umiling lang ako dahil alam ko ang sagot sa sariling tanong ko.

Naguguluhan na ako sa kung ano talaga yung gusto kong gawin. Mahal ko si Travis, mahal na mahal at kahit na alam kong masakit kaya kong gawin ang lahat para lang sa kanya. Pero ayoko na ring masaktan, ayoko na ring maging sunod-sunoran.

"Arrgghh! What should I do?!" Hindi ko mapigilang sigaw.

Bukas na ang anniversary ng kumpanya nila Travis, hindi ko alam kung dapat ba talaga akong pumunta. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng usapan namin kanina kaya hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. At alam ko ring makikita ko ulit ang mga magulang nito.

"Iho, this is Doctor Ben Madrigal, one of my closest friends." Tito Xander said.

Kung kanina natulala ako mas ngayon ng nakalapit na ito sa amin. He looked like a demi-god on earth. He has a broad shoulder na halatang nagwowork-out. Those chinky eyes, pink and thin lips, matangos na ilong and then his eyes...

Bigla itong tumingin sa akin at nagkasalubong agad ang mga mata namin.

Those eyes... those deep black orbs he has. Na parang hinihypnotize ka tuwing tititig ka sa kanya.

Nagbawi ako agad ng tingin dahil biglang namula ang pisngi ko.

"It's nice to finally meet you po, Tito Ben." Bati nito kay dad. And then his voice, so manly, so deep and baritone.

"You too iho, matagal ko ng gustong makilala ka." Sabi naman ni dad.

"By the way, this is Audrey Gail. My one and only daughter." Pagpapakilala ni dad sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya tumayo ako kahit hindi ko magawang tingnan si Travis.

"Hello. It's nice to meet you too, Miss Audrey. I'm Travis." Inilahad pa nito ang kamay kaya doon ako nag-angat ng tingin.

Kahit hindi ito ngumingiti at sobrang seryoso ng mukha ay nababakas parin sa mukha nito ang sobrang kagwapohan.

"Uhhmm, h-hi. Nice to meet you too." Pagpapakilala ko rin sa kanya.

Matapos ang introduction ay nagsimula na kaming kumain. Tanging sina dad at ang mga magulang lang ni Travis ang nag-uusap at pareho kaming dalawang walang imik habang kumakain.

Magkaharap kaming dalawa sa hapagkainan kaya hindi ko magawang iangat ang tingin ko. Sobrang kinakabahan ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang may nangangarera sa loob.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon