"My silence is just another word for my pain."
Halos inubos namin ni Monique and buong araw na ito na nakatambay lang sa loob ng salon at kung ano-anu pa ang ginawa ng mga baklang kaibigan rin nito sa buhok, kilay o mas mabuting sa buong mukha ko. Malapit ng mag-ala sais ng gabi at hanggang ngayon hindi pa rin sila tapos sa pagmamake-up sa akin. At ang alam ko alas syete ang simula ng party. Shit. Hindi pa ako nakakapagbihis at ni hindi ko pa nga nakikita ang susuotin ko.
Nagpasya kasi si Monique na andito na rin naman kami sa salon ay dito na rin ako mag-ayos para sa party. Ito na rin mismo ang kumuha ng damit ko na naiwan sa bahay. Seryoso nga talaga ito sa planong pagandahin ako dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapayagang tingnan ang mukha ko.
Hindi ko alam kung ano na ang ginawa ng mga baklang to sa mukha ko. Nakatulog nga ako kanina habang tinatrabaho nila ang buhok ko. Bigla kong na-alala na nagtext pala si Dad sa akin kanina at hindi ko pa ito nababasa kaya agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa habang sa pag-aayos na sa buhok ko ang pinagtutuonan nila ng pansin.
From: Dad
I think I can make it to the party, anak. Cancelled ang operation. I'm excited to see you and don't worry you will be the most beautiful girl tonight. I love you.
Napangiti ako sa text ni dad. Hindi talaga ito pumapalya sa pagpapagaan ng loob ko. At alam kong nag-aalala ito sa akin dahil ito ang pinaka-unang beses na dadalo ako sa mga party na maayos.
Yes, you heard me right. Sa lahat ng party na napuntahan ko kasama si dad, hindi ako nag-aayos. Lagi kasing after ng trabaho ko ang schedule ng mga parties na dinadaluhan ni dad. Kaya nga after ko sa hospital, mag-aayos lang ako ng kaunti like maglalagay lang ng liptint at pulbo, alis agad ako. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na lagi akong nagiging pulutan ng chismis dahil sa ganito ako mag-ayos.
Ilang beses na akong nasabihang manang, walang taste sa fashion, panget at kung ano-anu pa. Kung hindi lang talaga dahil kay dad, ayaw na ayaw ko talaga ang mga ganitong social gatherings. Mas gugustohin ko pang magluklok sa bahay at matulog.
Isa rin sa malaking dahilan kung bakit ayaw ko sa mga ganito dahil lagi ko lang nakikita sila Travis at Kate. Sila yung palaging sentro ng media at atraksyon. Sila yung ginawang halimbawa kung ano talaga ang relationship goals. Kaya nga ayaw na ayaw ko ang mga ganito.
Pinapamukha kasi nito na ang layo ko kay Kate. Na I can never be like her and worst I can't be her. Lagi lang nakabuntot o kaya ay nakadikit si Travis sa kanya na parang binabakuran niya si Kate sa mga lalaking halos nasa kanya ang atensyon.
At ang pinakamasakit sa lahat ay yung makita ang mga ngiti ni Travis, yung kinang ng mga mata niya, yung kung paano niya tingnan si Kate at malalaman mo ng, siya ang mundo niya. Na kahit nasa kanila na lahat ng atensyon ng mga tao sa loob, na kahit anong pa-cute o pagpapansin ng ibang mga babae sa kanya ay nasa kay Kate pa rin nakatuon ang lahat ng atensyon niya.
Makikita mong parang sila lang dalawa ang tao sa mundo at wala siyang paki doon. Napabuntong hininga ako dahil sa kirot na naramdaman ko.
"Ma'am? Okay na po lahat! Perfect na perfect!" magiliw na sabi ng bakla.
"Oh my gosh, Audrey! Ikaw ba yan?" segunda naman ni Monique. Kaya mas lalo akong na-eexcite tingnan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na sila sinagot dahil tumayo na ako at tinungo ang vanity mirror na nasa tabi ko lang. At saka ...
Who's that girl I see? Staring back at me...
Napakanta nalang ako sa isip ko dahil wala akong masabi. I looked so ... different.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...