"You will never think of me the way I think of you. And that kills me everyday."
Buntis ako...
Hindi ko mapigilang hawakan ang tiyan kung hindi pa naman nalalagyan ng umbok. Masaya ako, sobra. Knowing na may buhay na ngayoy nasa loob ng tiyan ko. It is one of my dreams, to become a mother.
I'm an OB doctor at hindi ko maiwasang magselos sa mga babaeng pinapa-anak ko.
Pero kung gaano ako kasaya yun din kabigat ang loob ko. Pwede pala yun diba? Ang maramdaman ang dalawang emosyon ng sabay. Hindi ko alam paano ipaliwanag pero sobrang kaba at takot rin ang bumabalot sa puso ko ngayon.
Paano ko to sasabihin kay daddy? Kay Travis?
Matatanggap ba to ni Travis?
Napabuntong hininga ako sa sobrang gulo ng isip ko. Hindi ito yung gusto kong mangyari. Sobrang layo nito sa mga pangarap ko.
Pangarap ko na pag nagkababy na ako, gagawa ako ng surprise para sa tatay ng anak ko. Yung tipong ma-eexcite ako sa magiging reaction nito dahil alam mo na mas magiging excited pa ito. Yung alam mong magiging sobrang masaya ninyong dalawa at wala kang pangamba o takot na mararamdaman dahil alam mong may karamay ka, may kasama ka sa pagbubuntis mo.
Pero iba ngayon ang nararanasan ko. Ibang iba. Pero hindi pwedeng hindi ito malaman nila daddy, hindi ko kayang maglihim sa kanya. Alam kong madidisappoint ko siya pero tatanggapin ko kahit anong maging reaction niya.
"Mali man ang timing mo, anak. Pero sana wag mong maramdaman na isa kang pagkakamali. Mali nga na may nangyari sa amin ng tatay mo kahit walang kami, pero nabuo ka dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Mahal na mahal kita. Kapit lang, kakayanin to lahat ni mommy para sayo."
Nakapagdesisyon na akong sabihin kay daddy ang lahat. At saka ko na poproblemahin si Travis.
Dumiretso na ako sa mansion dahil andun daw si dad nung tinext ko siya kanina.
Pagkalipas ng sampung minuto ay andito na ako sa harap ng mansion kanina pa ako andito pero hindi ko pa magawang lumabas. Pasalamat nga ako at nakaya ko pang magdrive kahit sobrang nanginginig na ang mga tuhod at kamay ko sa kaba.
"You can do this, Aud. It's the least thing you can do for, daddy." bulong ko sa sarili ko.
Pinikit ko ng sobrang diin ang mga mata ko at saka humugot ng malalim na hininga at saka tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin.
"This is it, baby. Let's do this." bulong ko ulit at saka lumabas ng kotse ko at pumasok sa bahay.
Nadatnan ko agad si Myla sa kusina na abalang nagluluto. Maglalunch na pala at hindi ko namalayan.
"Oh ate, andiyan ka pala. Gusto mong ipaghain kita?" bungad agad nito ng mapansin ako. Ngumiti ako sa kanya bilang sagot.
"Nope, mamaya na. Andiyan na si dad?" tanong ko..
"Opo ate, nasa office niya po." sagot nito. Nagpaalam na muna ako dito para puntahan si dad.
Andito na ako ngayon sa harap ng pinto ng office ni dad dito sa bahay. Dito ito madalas tumatambay pag wala ito sa ospital. Huminga muna ako ng malalim at saka kumatok ng dalawang beses.
"Pasok" rinig kong sabi ni dad sa loob. Pinihit ko na ang doorknob para mabuksan.
"Oh iha, buti at dumating ka na. Sakto at nagluluto ngayon si Myla for our lunch." masayang bungad nito at saka lumapit sa akin para halikan ako sa noo.
"Sure dad, di pa naman po tapos si Myla. C-can we talk?" hindi ko matago ang panginginig ng boses ko dahil sa kaba. At hindi ko rin alam kung ano na ang itsura ko ngayon pero for sure sobrang putla ko na dahil sa takot.
BINABASA MO ANG
He Used Me
Storie d'amoreShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...