"She loved so much, she lost herself."
Minulat ko ang mga mata ko ng paunti-unti pero parang ang hirap... pinakiramdaman ko ang buong katawan ko, pinilit kong igalaw ang mga kamay ko pero di ko magawa. What is happening?
Gusto kong magising, gusto kong gumalaw. Gusto kong bumangon! Pero bakit ayaw makipag-cooperate ng katawan ko?!
"Audrey!" may naririnig ako ... pero hindi ko mabuksan ang mga mata ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Di ko makilala kung sino ...
"Audrey, anak ..." tawag ulit sa akin. At alam kong si daddy na ito. At sa huling beses pinilit kong buksan ang mga mata ko at laking pasasalamat ko ng nakinig na ito ... Puti ... puro puti na naman ang nakikita ko ...
Sinanay ko muna ang mga mata ko na parang ang tagal kong natulog.
"Audrey?" tawag ulit sa akin. Lumingon ako sa bandang kanan ko at sinalubong ako ng umiiyak na si daddy. Anong nangyari?
"D-dad?" nagtatakang tanong ko. Bakit ba ito umiiyak?
"Anak ... I'm sorry." bakit nagsosorry si daddy? Naguguluhan na ako pero agad kong hinawakan ang tiyan ko na parang nakasanayan ko na ... parang binuhusan ako ng sobrang lamig na tubig ng wala na akong maramdaman ...
"A-asan ang mga anak ko? D-dad?" puno ng takot at pangamba ang nararamdaman ko sa pwedeng sagot nito. Pinilit kong iangat ang ulo ko para sulyapan ang tiyan ko. Pero pinigilan ako agad ni daddy.
"Anak please calm down..."
"No-No daddy! Asan ang twins?! Asan ang mga anak ko?! Daddy! Di pa sila pwedeng lumabas!" sumisigaw na ako at umiiyak.
"Sshhh, please calm down. Everything will be okay." pag-aalo ni daddy. Niyakap na niya ako para mapigilan ako sa paggalaw. Pinilit ko na namang gumalaw ng makaramdam ako ng kirot sa may tiyan ko ...

BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...