"I gave up everything for him... the question is. Will he give me everything he have?"
"Doc, okay lang po ba kayo?"
"H-ha?" at tumingin ako sa taong nagsalita.
"Doc?" naririnig ko yung nagsasalita pero hindi ko siya maintindihan. Ang layo ng iniisip ko kaya ng naramdaman kong may yumugyog sa mga balikat ko ay doon lang bumalik ang tamang huwisyo ko.
"You're spacing out, doc. Okay lang po ba talaga kayo?" tanong ni Alex, ang nurse on duty sa delivery room.
Hindi ko namalayang kanina pa pala ito nagtatanong ng tungkol sa nangyari kanina sa isa sa mga pasyente namin.
"S-orry. Okay lang ako, medyo kulang lang siguro ako sa tulog." Hingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Okay lang po doc. Magpahinga na po kayo, medyo matatagalan pa po yung next patient natin." At ngumiti ito sa akin.
"Sige, pakitawagan lang ako pag manganganak na siya okay? Sa doctor's quarter lang ako." Paalam ko kay Alex at agad na tinungo ang quarters namin.
Ng makapasok na ako sa loob ay agad akong humiga sa folding bed na nandun. Kanina ko pa iniinda ang kirot na nararamdaman ko sa bandang dun kaya siguro ang layo nang nararating ng isip ko. Muling bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa aming dalawa ni Travis kagabi.
Nang hindi ako makatulog sa kaka-isip kung ano yung dapat kung gawin ngayong may nangyari na sa amin ni Travis. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o hayaan ko nalang at magpanggap na walang nangyari sa amin dahil alam kong hindi niya yun matatandaan sa status palang niya ngayon na sobrang lasing.
At dahil hindi ako makapag-isip ng maayos ay napagpasyahan kong umalis nalang at wag sabihin sa kanya ang tungkol sa amin.
Kahit masakit sa bandang doon ay pinilit kong tumayo at naligo saglit para makaalis. Sinulyapan ko muna ang orasan at nakitang mag-aalas kuwatro na rin pala ng umaga. Napabuntong hininga nalang ako dahil parang zombie akong naglalakad papasok sa CR ni Travis.
Sobrang ingat ng bawat galaw ko dahil ayokong magising ito. Hindi pa ako handing humarap sa kanya o kaya ay natatakot akong baka hindi niya matanggap na may nangyari sa amin.
Ayoko munang masaktan. Parang gusto ko munang magpahinga sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi pa nga ako nakaka-adjust sa pagpayag ko na magpagamit kay Travis para magkabalikan sila ni Kate tapos ito agad.
Nang makapasok ako sa loob ng cr ay inilibot ko ulit ang paningin sa bawat anggulo ng loob. Hindi ko lubos maisip na nandito ako ngayon sa loob ng cr na laging ginagamit ni Travis at dahil sa ideyang iyon ay may munting ngiti na sumilay sa mga labi ko.
At nang dumako ang paningin ko sa may malaking salamin at sa mga ginagamit ni Travis mapa-facial scrub o facial wash ay biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. Naramdaman ko na naman ang kirot dito sa puso ko ng makita ang mga pambabaeng gamit.
Bakit pa ba ako magugulat kung may mga gamit si Kate dito? Eh alam ko naman na ito na ang pangalawang bahay ni Kate, ang bahay ni Travis na magiging bahay na rin niya sa oras na magkabalikan silang dalawa.
Napabuntong hininga nalang ako para pigilan ang munting butil na nagbabadya na namang tumulo sa mga mata ko. Mabilis ang naging kilos ko para makaalis agad sa lugar na iyon, ayoko pang harapin si Travis ngayon.
Umalis ako agad ng hindi man lang sinulyapan ang natutulog na si Travis dahil kung titingin pa ako sa kanya malamang mahihirapan akong pigilan ang sarili kong umalis. Hindi na akoumuwi sa bahay at dumiretso na agad ako sa ospital. Mag-aalas sais na rin ng umaga kaya dito ko nalang napagpasyahang dumiretso. May mga gamit naman ako dito na pwedeng pangpalit kaya wala na akong dapat problemahin.
BINABASA MO ANG
He Used Me
Любовные романыShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...