"He was never mine, but losing him broke my heart."
PS: Hindi po lahat ng quotes na naka-attached every chapter eh related po sa every update ko ha? Hindi po yan mga hint tungkol sa chapter. Yan lang po yung feel ko ilagay. Hehehe.
Mag aalas-sais na ng maisipan namin ni Dylan na umuwi pagkatapos naming kumain. Dumiretso ako dito sa mansion dahil ayokong mapag-isa, baka madepress lang ako. Kasalukuyang nasa sala ako ngayon habang nanonood ng palabas sa tv. Pero iba ang laman ng isip ko.
Ang daming tanong na bumabagabag ngayon sa isip ko. Mga tanong na alam kong si Travis lang ang makakasagot at alam ko rin na malabo yung masagot lahat. One minute he seemed to care and then later on he's treating me as if I'm someone he hates so much. Naramdaman ko na naman ang pagbabadya ng mga luha ko na kumawala.
Ang daming nangyari sa loob ng isang araw lang. Ang daming nangyari ng dahil lang sa pagsama ko sa party kagabi. If only. If only hindi nalang ako nagpaka-bobo at hindi pumayag sa gusto ni Travis hindi sana to mangyayari. Ang ayoko sa lahat ay yung naaapektohan si daddy sa mga desisyon ko. Wala na itong ginawa kundi puro kabutihan lang tapos ito pa yung isusukli ko sa kanya? Being the topic of everyone?
Pagdating talaga sa pagmamahal hindi mo na maiisip kong tama ba o mali ang gagawin mo basta mapasaya mo lang yung taong mahal mo kaya mong balewalain ang sarili at ang ibang taong nakapaligid sa'yo. Hanggang kailan ba ako magiging ganito para kay Travis?
Napasubonot ako sa buhok ko at saka tinakpan ang mukha ko para pigilan ang pagbuhos na naman ng mga luha ko dahil kanina pa ko umiiyak. Tatayo na sana ako para pumanhik na at matulog ng biglang dumating si Myla.
"Ate, tumawag po si Ma'am Monique at pinapasabi na papunta daw siya ngayon dito. Di ka raw niya matawagan sa telepono mo." Nakalimotan ko na kung asan yung cellphone ko.
"Ah sige, thank you Myla. By the way, kumusta yung thesis nyo? Okay na ba?" pangungumusta ko dito.
"Approved na po yung title namin ate kaya nakatuon na po yung atensyon namin para sa questionnaire na gagamitin namin sa survey." Nakangiti nitong tugon. Ngumiti rin ako sa sagot nito.
"Mabuti kung ganon, basta sabihin mo lang kung may kailangan ka. At paminsan-minsan rin sumama ka sa mga kaibigan mo na lumabas. Hindi rin kasi mabuti if nakatutok ka masyado sa pag-aaral mo at hindi mo na magawang magpahinga." Paalala ko sa kanya.
"Naku okay lang po ate, nagkakasama rin naman po kami every break time namin sa skwelahan."
"Ikaw talaga, naiintindihan kita kaya baka sa makalawa kung wala akong masyadong gagawin sa ospital, lalabas tayo. Okay? Wala kayong klase niyan diba? It's a holiday."
"Ha? Ho? Wag na po, ate. Okay lang po talaga ako."
"Myla .. pagbigyan mo na ako. Bonding na rin natin to. Okay?"
Wala na itong nagawa kundi tumango at sumagot. "Okay po. Ate, salamat talaga sa inyo ni Sir Ben. Utang na loob ko po sa inyo ang buhay ko." Napansin kong maiiyak ito. Nilapitan ko ito at hinawakan ang magkabilang braso na naging dahilan para tumingin ito sa akin.
"Sshh, alam mo naman kung gaano kagaan ang loob ko sayo diba? Hindi ko ito ginagawa dahil sa gusto ko lang, ginagawa ko to dahil nakikita ko na deserve mo lahat ng mga ginagawa namin ni daddy para sayo." Tumango ito at hindi na talaga nito napigilan ang mga luha.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...