"It takes a strong heart to love, but it takes an even stronger heart to continue to love after it's been hurt."
TRAVIS' POV
Maglilimang buwan na mula noong malaman ko ang tungkol kina Audrey, ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili ko na hanapin sila. Mas nagfocus ako sa kumpanya at kay Kate. Pero dumadating pa rin ang mga oras at panahon na hindi ko mapigilang isipin si Audrey. Okay lang ba siya? Okay lang ba ang kambal? Sino ba kamukha nila?
Di na ako umuuwi sa bahay namin ni Audrey dahil mas lalo ko lang naaalala ang mga kagagohan ko sa kanya na kahit sinong matinong tao hindi kayang gawin. Mas lalo kong naaalala ang mga panahong wala siyang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ako pero binalewala ko lang ang lahat.
Nabago na rin ang pakikitungo nila daddy sa akin lalo na si mommy, nag-uusap pa rin kami pero sa tuwing magkasama kami ay nararamdaman ko pa rin ang galit nila sa mga ginawa ko kina Audrey. They love her so much ...
Papunta ako ngayon sa mansion dahil may kailangan akong ipapirma kay daddy. Kahit retired na ito ay may iba paring documents na kailangan yung pirma niya. Ng marating ko ang mansion ay agad akong pumasok sa loob habang bitbit ang folder na naglalaman sa documents.
Didiretso na sana ako sa office ni daddy dahil baka andun lang yun pero napatigil ako ng marinig ang mga boses nila mommy sa may kusina. Agad akong pumunta doon pero nasa malapit na ako ng napatigil ako ...
"Ang cute nila! Tingnan mo hon." halata ang sobrang tuwa sa boses ni mommy .. hindi ko alam kung ano ang tinitingnan nila dahil nakatalikod silang pareho sa akin.
"Of course they are my grandchildren! Kamukha ko si Kayden!" proud na proud na sabi ni daddy. Kayden? Ng marinig ko ang pangalan na yan ay bigla akong nakaramdam ng saya sa dibdib ko na hindi ko alam kung bakit ...
Pero alam kong ang kambal ang pinag-uusapan nila ...
"Pero look, kamukha talaga ni Travis si Kayden .. and si Kayla kamukhang-kamukha ni Audrey." medyo tumagilid si mommy kaya nakita ko kong gaano kasaya ang mukha nito. At nakatitig lang silang dalawa sa hawak hawak ni daddy ngayon. Hindi ko napigilan ang sarili ko para lumapit dahil gustong-gusto kong makita ang tinitingnan nila.
"Mom?" kuha ko sa atensyon nila. Sabay silang tumingin sa akin at bakas ang gulat sa mga mukha nila. Tiningnan ko lang sila bago ko nilipat ang tingin sa mga pictures na nakalatag sa lamesa. Sobrang dami ...

BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...