CHAPTER 32

4.8K 87 17
                                    

"Maybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long ... because the day you want me, may be the day I have finally given up."






After 5 months ...








Ang bilis lumipas ng panahon at oras. Parang kailan lang nalaman kong buntis ako, next nalaman kong hindi lang pala isa ang laman ng tiyan ko kundi dalawa ... at ngayon nga kasama ko na silang dalawa. 




Ilang araw matapos naging okay ni Kayden ay sa awa ng Diyos naging stable din ang kalagayan ni Kayla. Baka totoo nga ang sinasabi nila na pag kambal, pag hindi okay ang isa maapektohan din ang isa. Pero mabuti at itong kambal ko, nagpakatatag. Unang lumabas si Kayden at saka sumunod si Kayla. Mabuti at kahit hindi normal ang pagluwal ko sa kanila at mas napaaga ay kumapit at lumaban silang dalawa.




Sa loob ng limang buwan ay dito na kaming tatlo sa Baguio nag-stay. Parating bumibisita si mommy Trina, daddy Xander at magpapahuli ba naman si daddy? Halos ako na nga mismo ang nagpapaalis sa kanila hindi dahil sa ayokong andito sila kundi nakakalimutan nila ang mga trabaho nila. Si daddy Xander kahit na resigned na ay tumutulong pa rin ito sa kumpanya at laging sumasama kay mommy Trina pag may bagong branch na pinapatayo. 




Si daddy naman ... as usual busy sa ospital. Pero pag wala itong trabaho ay pumupunta talaga ito dito sa Baguio. Minsan nga napapaisip ako if tama ba tong ginagawa ko? Dahil nahihirapan sila daddy sa laging bumabyahe para lang makasama ang kambal.




Kasama ko sa pag-aalaga ng kambal si Lenlen. Ito yung caretaker ng dating may ari ng rest house na ito. At siya na rin mismo ang kinuha nila mommy Trina na maging caretaker pa rin sana nito kung hindi kami natuloy dito. Nasa mga around twenty three na ito, katulad rin siya ni Myla na hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil maagang naulila sa magulang. Tulad ko rin ... Yung lolo niya talaga ang caretaker ng bahay na ito pero dahil hindi na kaya ng katawan kaya siya na ang sumalo. Mabuti at pumayag rin ang dating may-ari at maging sina daddy Xander. Laking pasasalamat ko talaga kina mommy dahil hindi nila ako pinabayaan. Kahit minsan hindi ko naramdamang mag-isa lang ako dahil alam kong andiyan lang sila para sa akin at sa mga kambal. 





Tulog ang mga kambal ngayon dahil bago ko lang sila pina-dede kaya andito ako ngayon sa terrace ng kwartong inuukyupa naming tatlo. May sariling kwarto ang kambal pero mas pinili kong magsama-sama kaming tatlo dahil parang nakasanayan ko ng lagi ko silang nakikita. Gusto ko ring makasiguro na okay lang sila lagi.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon