CHAPTER 11

4.2K 71 7
                                    

"I don't really know why I'm still hoping."

Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa dahil sa mga jokes ni Dylan. Hindi ko maiwasang matawa sa mga corny niyang jokes na sobrang waley talaga. Wala na kaming pakialam kung nakakakuha na kami ng atensyon sa ibang nagsasayaw basta nag-eenjoy kaming dalawa.

Medyo nakainom narin kasi ako kaya medyo nabawasan ang hiya ko. Iba kasi talaga itong si Dylan, kaya close na close kaming dalawa dahil magkasabay kaming nakapasok sa parehong ospital kaya panatag na ang loob ko sa kanya.

Pag kasama ko siya nakakalimutan ko saglit yung problema ko dahil hindi talaga niya nakakaligtaang pasayahin ako. Kaya kung sino man ang maswerteng babaeng mamahalin ni Travis, dapat talaga siyang alagaan at pahalagahan. Dahil napaka rare nalang ng lalaki ngayon na ganito magtrato sa isang babae.

Hindi tulad ng iba diyan.

Bigla ko na namang naisip si Travis ... at si Kate. Napabuntong hininga nalang ako ng bumalot na naman ang lungkot sa loob ko dahil sa nangyari sa amin ni Travis kanina.

"Hey, bakit hindi ka na nakangiti? May problema ba?" Bulong ni Dylan. Medyo sumeryoso na kami ngayon kaya mas nakalapit na ito sa akin habang nagsasayaw kami.

"I'm fine, medyo napagod lang ako. Hehe" pagkakaila ko

"Upo na tayo?" Alok naman nito.

"Sige. Sorry talaga Dy, nahihilo na rin kasi ako dahil sa nainom ko kanina." This time totoong dahilan na ito

"It's okay." Ngumiti pa ito ng bahagya ng lumayo na ito sa akin para igiya ako papunta sa table. Pero hindi pa kami nakakaalis sa dance floor ay siya namang pagdating ng taong kanina ko pa hinahanap.

"Audrey." Nakakunot ang noo nito at halatang iritado. Napansin ko rin na namumula ang dalawang teynga nito tanda na kanina pa nagtitimpi sa kung ano mang dahilan na ito lang ang nakakaalam.

"Can we talk?" Nakatingin lang ito sa mata ko at hindi man lang ito nagbaling ng tingin kay Dylan na nasa tabi ko lang. Napatingin naman ako kay Dylan na masama rin ang tingin na binibigay kay Travis.

"She wants to rest muna, Xander." Sagot ni Dylan. Nagulat ako sa tawag ni Dylan kay Travis dahil based sa alam ko, Travis lang ang ginagamit ng mga taong nakakakilala kay Travis para itawag dito. Ito yung unang beses na narinig kong may ibang tawag kay Travis.

"Mind your own business, Alegri. I need to talk to her." Hindi na hinintay ni T ang sagot ni Dylan at agad na kinuha na nito ang kamay ko at hinila ako palayo kay Dylan.

"I'm sorry Dy. I'll be fine, I'll call you later." Mabilis na paalam ko sa kanya at nagpahila na ng tuloyan kay Travis sa kung saan na namang lupalop ng hotel ako dadalhin.

Ano to? Take two sa nangyari kanina ang peg?

Imbes na kiligin ako o kaya magtatalon sa saya dahil at last lumitaw na ulit si Travis at hinihila na naman ako ulit, ay mas lalo tuloy akong nainis dito.

Imbes na dalhin ako ulit sa garden na akala ko doon ako dadalhin ng lalaking to ay nagulat nalang ako na pumasok kami sa elevator at nakita kong pinindot nito ang PENTHOUSE button.

Don't tell me ... no way.

"Travis, asan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko dito. Nagsisimula na akong matakot dahil nararamdaman ko ang paghigpit ng kapit ng kamay nito sa kamay ko.

"Just shut up, Audrey. Let's talk later." Bakas sa bawat kataga nito ang galit. What the hell is wrong with this guy?

Tiinnnggg ...

Tunog na naghuhudyat na dumating na kami sa tamang floor. Nauna na itong lumabas ng elevator at pumasok sa kaisa-isang pinto sa harap namin. Nagdadalawang isip ako na tumalikod nalang at bumaba ulit kaysa sumunod sa mokong nato. Pero sa tantya ko maabotan pa rin niya ako kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon