CHAPTER 9

3.9K 79 1
                                    

"No matter how much you say it, his heart will never soar upon hearing your voice for it has already nestled in somebody else's." 

Hindi na hinayaan ni Monique na matagalan pa ang kadramahan ko kaya agad na niya akong pina-alis. At dahil naka-gown ako at ang panget ring tingnan na ganito ang ayos ko ay ako pa mismo ang magdadrive ng kotse ko kaya pinahatid na rin niya ako sa driver niya. Hindi ko rin naman dala ang kotse ko kaya pumayag na rin ako sa alok niya.

Incoming call ... TRAVIS

Shit. Almost 1 hour na akong late at alam kong galit na ngayon si Travis. Wala akong choice kundi sagotin ang tawag nito.

"Where the hell are you, Audrey?! You're 1 hour late!" pagkapindot ko palang ng receive button ay ito agad ang natanggap ko.

"I-I'm sorry T. Don't worry I'm on my way na." hingi ko ng paumanhin dahil alam ko naman talagang sobrang late ko.

"Be sure, Audrey. Or else." ito na naman siya sa mga banta niya. 

"Andito na ako sa labas. I'll hang up." paalam ko nalang.

"Okay. I'll wait for you inside."

Huminga muna ako ng sobrang lalim ng tumigil ang sasakyan sa mismong bungad ng hotel kung saan gaganapin ang anniversary ng kumpanya nila Travis. Kanina pa ako hindi mapakali sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko. May parte sa utak ko na umalis nalang at hindi tumuloy pero heto na ako. Wala na itong atrasan. And dad is waiting for me. I don't want to disappoint him. 

Matapos ang isang minuto ng pakikipagtalo sa isip ko ay nagpasya rin akong buksan ang pinto at bumaba sa sasakyan. Laking pasalamat ko dahil wala ng masyadong tao sa labas ngayon dahil marahil nagsisimula na ang party sa loob. Pero hindi ko parin maiwasang mahuli ang mga tingin ng mga naiwang tao sa labas.

Halata sa mga tingin nila ang pagkamangha at paghanga sa nakikita nila. Kaya hindi ko rin maiwasang pamulahan ng pisngi. Ito ang kauna-unahang beses na nakatanggap ako ng mga tingin ng paghanga dahil simula't sapol laging pagkadismaya o kaya panlalait ang nakikita ko sa mga mata ng mga taong nakapalibot sa akin.

Ng makapagpasalamat ako sa driver ni Monique ay tinungo ko na rin ang entrance ng hotel at agad naman akong sinalubong ng organizer ng event at sinamahan ako sa function hall kung saan ginaganap ang party. 

Nasa harap na ako ng pinto ng hall at unti-unti na itong binubuksan at ng sa wakas ay nabuksan na ito para sa pagpasok ko ay agad napako sa kinaruruonan ko ang mga mata ng mga taong nasa loob ngayon.

Halos huminto sila sa kanya-kanya nilang ginawa para lang sulyapan kung sino ang bagong dating at halos tumahimik ang buong lugar dahil lang sa grand entrance ko.

Mas lalo akong kinabahan ng maramdaman ko ang maraming flash ng camera mula sa media na inimbitahan para i-cover ang event na ito. Nasisilaw ako sa bawat flash na pinapakawalan ng mga camera ng mga reporter na ito.

Miss Audrey Madrigal? Is that you?

You looked so gorgeous, Miss Madrigal!

Can we have a few words from you?

Mas lalo akong kinabahan at hindi makagalaw sa ginagawa ng mga reporter sa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o sasabihin. Ayoko ng ganito, ito yung pinaka ayaw ko sa lahat ang pagpyestahan ng media ang buhay ko. Kaya bago pa ako tumalikod at umalis nalang ay nakaramdam ako ng isang kamay na biglang pumulupot sa beywang ko. Kaya agad akong napatingin sa bandang likod ko upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon.

Nang biglang tumigil ang mundo ko...

Hindi ako makahinga...

Ang bilis ng tibok ng puso ko...

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon