"Words don't have power to hurt you, unless that person means a lot to you."
Sa loob ng byahe ay naging tahimik lang kaming dalawa ni Travis. Walang nagtangkang kumibo, hinayaan ko na rin ito dahil sa naiinis rin ako. Baka kung ano pa yung masabi ko dahil sa inis.
Hindi ko namalayang dumating na pala kami sa tapat ng bahay ng mga magulang ni Travis. Aalisin ko n asana ang seatbelt ko ng biglang hinawakan ni Travis ang kamay ko kaya napatingin ako dito.
"I'm sorry about the way I acted a while ago." Nakatingin ito sa mga mata ko kaya alam kong napansin nitong natigilan ako.
Si Travis nagsosorry? Wow!
"Ha? Ah, it's okay." Yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"And about the issue, I can't promise you na mawawala to because in the first place it's our plan. But I promise na hindi ka nila gugulohin pa. It will be the last time na magiging headline ka ng balita." Hinahaplos nito ang kamay ko habang sinasabi niya to.
Hindi ako makapaniwala na nagsosorry ngayon si Travis. Di na niya ako pinasagot at saka bumaba na ng sasakyan. Akala ko aalis lang ito at uuna ng pumasok pero tinungo nito ang pinto sa passenger's seat at saka pinagbuksan ako.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla itong dumukwang papunta sa akin at akala ko hahalikan niya ako pero inabot lang pala nito ang seatbelt ko para tanggalin. Shit! Ng makalayo na ito ay saka ko pa napakawalan ang hiningang di ko napansing kanina ko pa pala pinigilan.
"Let's go." Hinawakan niya ako sa braso at maingat na inalalayan para makalabas sa sasakyan at saka pumasok na kami sa loob.
"Iha! It's good to see you! Wow, you're so pretty!" sabay yakap at beso sa akin ng ginang. At hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya.
"Hello tita! It's good to see you too. Thank you po, tita." Sagot ko.
"Thank you Travis, aalis ka ngayon diba?" baling ni Tita kay Travis na nakatingin lang sa amin. Nakangiti ito ng bahagya pero hindi yung sobrang ngiti, hindi kasi ito uso kay Travis.
"Yes ma, may business meeting ako with an investor kaya aalis din ako." Sabi ni Travis. Akala ko dito lang ito.
"Oh sige. Dito ka ba maglalunch?" tanong ni Tita.
"Well, kung si Audrey ang magluluto... I'll eat here." Natigilan ako sa sinabi niya at saka tumingin dito. Nakatingin na rin pala ito sa akin at naka-smirk pa ito.
"You can cook iha?" manghang tanong ni Tita sa akin.
"Ah eh, oo po. Isa po yun sa kahiligan ko." Pag-amin ko.
"So it's settled. Dito ka na kumain Trav." Sabi ni Tita. Ngumiti lang si Travis at saka humalik at nagpaalam sa mommy niya. Tumango lang ito sa akin at umalis agad, uuwi pa kasi ito sa bahay niya para magpalit ng damit para sa business meeting nila.
Naiwan lang kami ni Tita dito sa bahay nila at andito kami ngayon sa sala nila dahil may ipapakita ito sa akin. Wala ngayon si Tito dahil nasa Spain at inaasikaso ang isang branch nila doon na nagkaproblema. Dahil wala ng time si Travis ito na mismo ang pumunta doon para i-check.
"Here iha." Abot ngiting sabi ni Tita at inabot sa akin ang isang photo album. Kinuha ko ito sa kanya at saka nakangiting binuksan. Tumabi rin sa akin ang ginang at masayang nakitingin.
Pagkabukas ko palang ay puno na ito ng mga baby pictures. At malamang kay Travis to lahat eh sa nag-iisang anak lang siya eh.
Mula sa ultrasound picture ni Travis na may caption na 2 months ay andon. Napahawak ako bigla sa ultrasound picture na yun at hindi ko alam kung bakit. Basta gusto ko lang hawakan.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...