A/N:
Hi everyone! I am really sorry for the slow updates in this work because I got so busy doing school stuffs. I hope you'll understand and will continue to read Travis and Audrey's love story. I'll do my best to update more with one of these days. Thank you for all the reads and support! God bless you al!
Love, W
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"The more you hide your feelings, the more it shows."
Hindi ko na magawang magbabad sa bathtub kahit gustong gusto ko dahil sa sobrang stress at inis kay Travis kaya quick shower nalang ang ginawa ko. Pero hindi ko pa rin magawang kalmahin ang sarili ko sa sitwasyon ko ngayon.
It won't happen again, Audrey.
Muling bumalik sa akin ang mga alaala ng gabing yun, ang gabi kung saan isinuko ko ang lahat kay Travis ng hindi nito alam. Natatakot ako na baka maulit na naman yun ngayon. Sino bang matinong babae ang sasama sa isang lalaki sa loob ng ganito ka pribadong lugar?
Nagpasya akong tingnan ang sarili ko sa malaking salamin ng banyo ni Travis. Wala nang kahit konting bakas ng make-up ang mukha ko pati buhok ko na sobrang ayos kanina ay ngayon basang basa at hindi pa nasusuklayan. Ang gown na sobrang ganda ay napalitan na ng v-neck plain black shirt at naka boxers lang ako.
Hindi ko mapigilang amoyin ang damit ni Travis. This scent. Ito yung isa sa gustong gusto ko sa kanya na umabot nga sa point dati na inalam ko talaga kung anong pabango yung ginagamit niya at binili pa to sa kung saang tindahan may ganun.
Ito ang totoong Audrey. Ito ako, simple lang walang arte-arte sa katawan. Hindi ako katulad ng ibang babae na kahit matutulog na eh sobrang ganda pa rin.
Hindi ako katulad ni Kate. Hindi ako si Kate. Hindi ako ang mahal ni Travis. Hindi ako mahal ni Travis.
Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa utak at puso ko na alalahanin ang katotohanan, na hindi ako ang babaeng may-ari ng puso ni Travis. Ako lang ito, si Audrey. Ang babaeng handang gawin ang lahat kahit magpakatanga para lang sa taong mahal niya, para lang kay Travis. Ang babaeng kahit harap-harapan at paulit-ulit ng ipinapamukha na wala ng chance ay patuloy paring sumusubok at kumakapit sa konting pag-asa na baka pwede pa.
Muling bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina.
Why did he kissed me?
Why is he acting like a jealous boyfriend?
Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa utak ko at mas lalo akong naguguluhan sa paiba-ibang pinapakita ni Travis sa akin.
One moment he don't like me the next moment he acts as if he cares.
Humarap at tiningnan ko nalang ulit ang sarili ko sa huling pagkakataon at saka nagpasyang lumabas na.
Nang makalabas ako sa banyo ay agad nahagip ng mga mata ko ang nakahigang Travis habang busy sa cellphone nito. Kahit ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko ay sinubukan ko pa ring lumapit ng kaunti dito.
At naramdaman siguro nito ang presensya ko dahil bigla itong tumingin sa banda ko.
Hindi nakalampas sa akin ang pagkabigla sa tingin na pinukol ni Travis ng makita kaya di ko maiwasang pamulahan ng mukha sa tingin nitong mula ulo hanggang paa.
"Ahhmmm .. Oh you're done. Akala ko doon ka na sa loob ng banyo matutulog." may halong biro ang sinabi nito at saka iniwas ang tingin at ibinalik sa cellphone nito.
"Ah? Ah oo tapos nako. Teka, saan ako matutulog?" tanong ko dito.
"Here." tinapik pa nito ang katabi nitong space na naging dahilan kung bakit kumunot ang noo ko.
"Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I said, dito ka sa kama." pagkaklaro nito.
"Ahh, so ikaw dun sa sofa?" ganting tanong ko.
"What? No way. Dito rin ako sa kama."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.
"Nababaliw ka na ba? Bakit tayo magtatabi?" hindi ko na maiwasang magtaas ng boses sa pinaghalong kaba at inis sa gusto nitong mangyari.
Ayaw ko ring mahalata nito ang kabang nararamdaman ko dahil sa takot na baka maulit yung nangyari dati.
He's drunk Audrey. He can't remember anything.
"Take it or leave it. Basta I'll stay here in my bed. You can take the sofa if you want." sabi nito at hindi na talaga tumingin sa akin at saka humiga na ng maayos at pinatay pa ang lampshade sa tabi niya.
Bumuntong hininga nalang ako para pakalmahin ang sarili ko.
What Travis wants, Travis gets.
Para matapos na ang lahat ay lumapit ako sa kama para kunin ang isang unan at saka tinungo ang sofa at nahiga.
Ayokong lumapit sa apoy baka masunog na naman ako at masaktan. Kaya hanggat kaya ko, iiwas muna ako.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at saka niyakap ang sariling katawan dahil nagsisimula na rin akong ginawin.
Ramdam na ramdam ko ang pagod sa katawan kaya gusto ko ng magpahinga kaysa mag-isip pa ng kung anu-ano.
Hindi pa ata nag-sasampung minuto ang tulog ko ng maalimpungatan ako dahil sa nakaramdam ako na may bumubuhat sa akin.
Napamulat agad ako ng mata at nakitang si Travis ito kahit nakapatay pa ang ilaw ay naaaninag ko pa rin ang gwapong mukha nito.
"Ang tigas ng ulo mo." bulong nito. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng likod ko sa napakalambot na kama.
"Trav ..." akmang tatayo ako ulit pero mabilis itong nakatabi sa akin at pinulupot agad ang kamay nito sa beywang ko. Hindi pa talaga ito nakuntento at dinantay pa talaga nito ang mga paa sa paa ko.
"Just stay here, Aud. Kahit ngayon lang. Just... stay."
Nawala agad ang antok na nararamdaman ko kanina at hindi ako makapagsalita dahil sa mga narinig ko kay Travis.
Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?
Bakit ramdam na ramdam ko yung bawat katagang binitawan nito?
Bakit parang ... parang puno ng pagmamahal ang pagkasabi ni Travis?
Mas lalo akong nagugulohan sa mga kinikilos nito. At hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Mas lalo akong nahihirapan dahil sa ginagawa nito sa akin.
Paano ko pa siya bibitawan? Kung ganito ... kung kailan dapat ko ng bitawan ay binibigyan pa niya ako ng rason para mas lalong kumapit.
Wala na akong nagawa kundi pinikit ko nalang ang mga mata ko at nagpaubaya na naman ulit sa puso ko.
Kahit ngayon na naman ulit, kapit ka muna.
![](https://img.wattpad.com/cover/91250660-288-k392131.jpg)
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...