"One day, I hope you look back at what we had and regret every single thing you did to let it end."
AUDREY'S POV
Matapos kong pakainin ang kambal ay pinabantayan ko muna ito ulit kay Myla dahil umuwi si Dylan dito sa Pilipinas galing sa Australia para sa anniversary ng Cheng Group of Companies. Bago ko pa ibalita sa kanya na naimbatahan ang Little Angel Foundation sa party ay ito na mismo ang unang tumawag sa akin at nagsabing dadalo siya.
Sa katunayan kahapon pa ito nakauwi at ngayon nga ay papunta na dito para bumisita at makita ang kambal.
"Ate, andito na po si sir Dylan." imporma ng katulong namin. Di ko maiwasang ngumiti at tumakbo palabas ng living room dahil namiss ko talaga ito.
"Dy!" sigaw ko. Agad itong napangiti at sinalubong ako ng yakap ng makalapit ako.
"Halatang di mo ako miss." nagbibirong sabi nito. Tumawa ako at saka lumayo na upang pagmasdan ito. Kahit nasa Australia na ito ngayon namamalagi ay ito parin ang Dylan na nakasama ko dati. Gwapo pa rin. Maitim ang kanyang buhok na naka-clean cut, matangos ang ilong, manipis ang mga labi in short gwapo talaga si Dylan.
Kaso mas gwapo lang si Travis..
Agad kong iwinakli sa isip ko ang ideyang biglang pumasok sa utak ko. Ayokong isipin si Travis ngayon.
"Kumusta ka na?" muling bumalik sa kasalukuyan ang iniisip ko ng magsalita ulit si Dylan. Inaya ko itong umupo at magkaharap na kami ngayon sa mahabang sofa sa living room.
"Ito okay lang. Masaya kasama ang kambal." ngumiti ako dito.
"Hmm, you can't lie to me Aud. I know there's something wrong but don't worry you don't need to discuss it with me today. I know you already know what you're doing." masiglang sabi nito. At this time ngumiti na ako ng totoo.
"I know Dy. Salamat sa lahat. Di ko alam kung makakaya ko ba lahat kung wala kayo nila daddy."
"Ssshh, let's not talk about it. Ayokong masira ang mood mo. You've been through a lot already. I am really glad noong nabalitaan ko kay Doc Madrigal na napapayag ka niyang dumalo sa party that's why I'm here." masayang sabi nito
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...